Here is a story of young boy who wanted to be a lead in a show but couldn't because of his weight.
The module contains a glossary, vocabulary quiz, comprehension questions with sequencing of events, plus short writing exercises.
Filemon Mamon Modyul
Thursday, August 30, 2018
Saturday, August 25, 2018
Ang Bulaklak ng Katapatan Modyul
I translated a story that I read from my student's test. I really liked it and thought it would be a good story for a module.
It is about a prince who needed to find a trustworthy lady to become his wife. No spoilers here. Go read the story. It comes with a story map for your student to complete.
You can find it here: Ang Bulaklak ng Katapatan
It is about a prince who needed to find a trustworthy lady to become his wife. No spoilers here. Go read the story. It comes with a story map for your student to complete.
You can find it here: Ang Bulaklak ng Katapatan
Wednesday, August 22, 2018
Kaukulan ng Panghalip
Here are a couple of worksheets on Kaukulan ng Panghalip
Filipino 5 - Kaukulan ng Panghalip 1
This is an easy 10-item quiz on recognizing the pronoun and identifying which case it belongs to (Palagyo, Paari, o Paukol). At the end, the student will be asked to write his or her own sentence based on the picture.
Filipino 5 - Kaukulan ng Panghalip 2
This is another easy 10-item quiz on recognizing the pronoun and identifying which case it belongs to (Palagyo, Paari, o Paukol). At the end, the student will be asked to write his or her own sentence based on the picture.
Filipino 5 - Kaukulan ng Panghalip 1
This is an easy 10-item quiz on recognizing the pronoun and identifying which case it belongs to (Palagyo, Paari, o Paukol). At the end, the student will be asked to write his or her own sentence based on the picture.
Filipino 5 - Kaukulan ng Panghalip 2
This is another easy 10-item quiz on recognizing the pronoun and identifying which case it belongs to (Palagyo, Paari, o Paukol). At the end, the student will be asked to write his or her own sentence based on the picture.
Saturday, June 30, 2018
Wednesday, June 27, 2018
Kambal Katinig
I made a video about Consonant Clusters (Kambal Katinig). No voice records yet as I am a lazy person :) Kidding. I just wanted to try it out first. Hope you find this helpful.
Filipino 3 - Nasaan ang Libro ko?
Here is a new reading comprehension worksheet for Filipino. It is a story of a girl who lost her book. She couldn't find it because her room was a mess.
It also comes with comprehension questions and a 6-item sequencing events exercise.
Answer the exercises by downloading the module here:
Filipino 3 - Nasaan ang Libro ko?
It also comes with comprehension questions and a 6-item sequencing events exercise.
Nasaan ang Libro ko?
Hunyo na. Patapos na ang halos tatlong buwang bakasyon ng mga mag-aaral. Si Jessa ay abalang-abala sa paghahanda ng kanyang mga gamit dahil pasukan nang muli sa darating na Lunes. Nilinis na niya ang kanyang sapatos na itim. Pinlantsa na rin niya ang kaniyang uniporme. Ngayon ay inilalagay na niya ang mga kagamitang pang-eskuwela sa loob ng kanyang bagong bag. Habang inaayos ang mga libro, napansin niyang kulang ito ng isa.
“Hala! Nasaan na ang aking libro sa Filipino? Kahapon lang ay kasama pa iyon ng iba ko pang aklat dito sa mesa,” ang nagtatakang naisip ng bata. Pumunta siya sa sala kung saan naglilinis ang kanyang nanay. “Inay! Kinuha niyo po ba ang libro ko doon sa aking mesa? Nawawala po kasi ang isa,” ang tanong ni Jessa.
“Hindi, anak. Bakit ko naman kukunin ang libro mo? Tiningnan mo na ba sa istante? Baka napahalo lang sa mga lumang aklat mo,” ang mungkahi ng kanyang nanay.
Bumalik si Jessa sa kanyang kuwarto. Pumunta siya sa istante at tiningnan ang mga libro dito. “Halu-halo naman ang mga libro ko. Ang mga lumang aklat-aralin, magasin, at mga nobela ay sama-sama. Napakahirap tuloy humanap ng libro,” ang tahimik na wika ng bata sa sarili. Isa-isa niyang tinanggal ang mga libro sa istante at tiningnan ang pabalat. Wala roon ang kanyang hinahanap na aklat. “Ang mabuti pa ay ayusin ko na ng pagbalik ang mga aklat na ito para mas mabilis nang maghanap ang mga kailangan kong libro,” ang naisip ng bata. Ibinalik niya ang mga libro ayon sa uri at paksa.
Nang matapos si Jessa sa pagbabalik ng mga aklat, ibinaling naman niya ang kanyang tingin sa malaking lamesa sa kanyang kuwarto. Puno ng patong-patong na mga gamit ang mesa. “Baka nandito sa tambak ng mga gamit ang aking libro sa Filipino,” ang sabi nito sa kanyang sarili. Sinubukan niyang angatin ang isang malaking piraso ng karton upang silipin ang ilalim nito. Biglang nangalaglag ang mga lapis, pambura, papel, at kung anu-ano pa. “Mahihirapan talaga akong hanapin ang mga gamit ko kung ganito kagulo ang mga ito. Mabuti pa ay ayusin ko na ang mga gamit habang may oras pa ako,” ang pasya ng bata. Tinipon niya ang mga lapis, pambura, bolpen, at iba pang panulat at pangkulay. Inilagay niya ito sa isang maliit na kahon. Inayos rin niya ang mga papel at kuwaderno. Dinampot niya ang mga balat ng pagkain na hindi niya itinapon at inilagay ang mga ito sa basurahan. Kumuha siya ng basang basahan at pinunasan ang malaking mesa. Sa wakas ay nalinis na niya ang mesa ngunit hindi pa rin niya nakita ang hinahanap na libro.
“Saan ba napunta iyon? Napunta kaya ito sa ilalim ng kama?” ang tahimik na tanong ng bata sa kanyang sarili. Mabilis na lumuhod si Jessa at sinilip ang ilalim ng kama. Wala doon ang libro ngunit napansin niyang maalikabok ang sahig dito. Lumabas si Jessa ng kuwarto at kumuha ng walis at dustpan. Mabilis niyang winalis ang alikabok sa ilalim ng kama at sa sahig ng kanyang kuwarto. Pagkatapos itapon sa basurahan ang kanyang pinagwalisan, tiningnan ni Jessa ang kanyang kuwarto. “Maayos nang lahat at malinis na ang mesa at sahig. Masaya akong naayos ko na ang aking kuwarto at mas madali ko nang mahahanap ang mga gamit ko ngunit hindi ko pa rin nakikita ang aking libro,” ang sambit ng bata.
Dahil sa pagod sa paglilinis, nagpasiya si Jessang mahiga na muna sa kanyang kama. Paglapat ng kanyang ulo sa unan ay may naramdaman siyang matigas. “Ay! Nasa ilalim lang pala ng unan ang libro ko sa Filipino!” ang tuwang-tuwang sabi ng bata. Mula noon ay nagpasiya na siyang panatilihing malinis ay maayos ang kanyang kuwarto upang hindi na siya muling mahirapan pang hanapin ang mga gamit niya.
Answer the exercises by downloading the module here:
Filipino 3 - Nasaan ang Libro ko?
Friday, March 9, 2018
Filipino - Ang Alamat ng Ipis Modyul
This module is about how the cockroach lost its groove :)
It contains exercises on vocabulary, reading comprehension, writing dialogues, filling out a Venn diagram, and a 10-item quiz on fact (katotohanan ) or opinion (opinyon).
It contains exercises on vocabulary, reading comprehension, writing dialogues, filling out a Venn diagram, and a 10-item quiz on fact (katotohanan ) or opinion (opinyon).
ANG
ALAMAT NG IPIS
Noong unang panahon, ang
ipis ay hindi tulad ng mga ipis na pinandidirihan
ng lahat ngayon. Ito ay natatangi dahil sa pagiging malinis, maganda, at
mabango nito.
Isang araw, ipinatawag ang
mga ipis sa palasyo ng hari. hinikayat
sila ng hari na doon na manirahan upang magbahagi ng kanilang kariktan. Kaagad
namang pumayag ang pinuno ng mga ipis. Pagkatapos ng maikling paghahanda ay
sabay-sabay nang lumipad ang lahat ng ipis patungong palasyo.
Masayang-masaya ang hari
sa pagpapaunlak ng mga ipis sa
kanyang hiling. Sinabihan niya ang mga ito na ituring na parang kanila ang
kanyang palasyo. Ang tanging hiling lamang niya ay palaganapin dito ng mga ipis ang kanilang ganda at kalinisan.
Tinanggap naman ng mga ipis ang trabahong ibinigay sa kanilang lahi. Kaagad
nilang sinimulan ang paglilinis sa bawat sulok ng malaking palasyo.
Samantala, sa di kalayuan, ay nagkaroon
naman ng malaking problema ang mga salagubang. Nagkaroon ng malaking unos sa kanilang lugar kaya’t napilitan
silang maghanap ng ibang lugar na matitirhan. Dahil dating matalik na
magkaibigan ang mga ipis at ang mga salagubang, naisip ng huli na humingi ng
tulong sa kanilang kapwa insekto. Dali-daling nagtungo sa palasyo ang kawawang
mga salagubang, dala ang kanilang kaunting mga kagamitan.
Sa pintuan ng palasyo ay hinarang sila ng mga kawal ng hari.
Tinanong nito sa pinuno ng mga salagubang kung ano ang kanilang pakay. Ipinaliwanag naman nito na nais
nilang humingi ng tulong sa kanilang kaibigan. Ipinatawag ng kawal ang pinuno
ng mga ipis at ito ay lumapit sa grupong naka-abang
sa tarangkahan.
Pagkakita ng pinuno ng mga salagubang
sa kanyang kaibigan, agad itong nagwika na nais nilang humingi ng tulong. Ikinuwento
nito ang kanilang dinanas na paghihirap dahil sa malaking unos. Hiniling niya
na sila ay patuluyin sa palasyo kahit na sandal lamang. Kapalit ay handa silang
maglingkod sa mga ipis.
Nakasimangot na tumanggi ang pinuno ng
mga ipis sa kahilingan ng mga salagubang. Ayaw nitong madumihan ang nilinis
nilang palasyo. Sinabi pa nitong umalis na kaagad ang mga salagubang dahil
naaamoy sa loob ng palasyo ang kanilang baho. Baka maamoy sila ng hari at mapulaan ang mga ipis.
Malungkot at nanlulumong umalis ang mga
salagubang. Hindi na nila alam kung saan pa sila hihingi ng tulong. Nagtayo
sila ng maliliit na bahay sa labas ng kaharian at doon ay pinilit na makabangon
mula sa sakuna na kanilang dinanas.
Lingid sa kaalaman ng pinuno ng mga
ipis, nakaabot pala sa hari ang kanyang pagtataboy
sa mga salagubang. Ipinatawag ng hari ang dalawang pinuno at sila ay
nagharap-harap. Dahil sa ipinakitang panghahamak
at pagmamalaki ng pinuno ng mga ipis, pinarusahan ito at ang kanyang mga kauri
ng hari. Isinumpa sila na maging marumi at mabaho. Pinalayas sila ng hari mula
sa kanyang kaharian at sila ay napilitang mamuhay kasama ng mga tao. Nabalutan
din ang katawan ng mga ito ng mikrobyo na sadya namang pinandidirihan ng mga
tao. Napilitang magtago sa dilim ang mga ipis.
Ang mga salagubang naman ay binigyan ng
hari ng karapatang manirahan sa mga puno sa kanyang kaharian. Dahil sa kanilang
angking pagkamasiyahin ay naging kaaya-aya
ang mga insektong ito sa mga tao.
Mula noon ay natuto na ang mga ipis
subalit naging huli na ang lahat. Tuwing gabi at madilim na lamang sila
nakalalabas at tuwing makikita sila ng tao ay sumisigaw ang mga ito at pilit
silang pinapatay. Nalimutan na nilang dati ay sila ang pinakamaganda,
pinakamalinis, at pinakamabangong insekto sa mundo.
Download the exercises here:
Filipino 3 - Ang Alamat ng Ipis Modyul
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Teacher Abi UPCAT Language Proficiency Readiness Assessment Teacher Abi UPCAT Language Proficiency Readiness Asse...
-
May bagong lesson at worksheets Simuno at Panaguri: Mga Bahagi ng Pangungusap Ang bawat buong pangungusap ay may dalaw...
-
Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit. ...