Skip to main content

Filipino - Ang Alamat ng Ipis Modyul

This module is about how the cockroach lost its groove :)

It contains exercises on vocabulary, reading comprehension, writing dialogues, filling out a Venn diagram, and a 10-item quiz on fact (katotohanan ) or opinion (opinyon).

ANG ALAMAT NG IPIS

Noong unang panahon, ang ipis ay hindi tulad ng mga ipis na pinandidirihan ng lahat ngayon. Ito ay natatangi dahil sa pagiging malinis, maganda, at mabango nito.

Isang araw, ipinatawag ang mga ipis sa palasyo ng hari. hinikayat sila ng hari na doon na manirahan upang magbahagi ng kanilang kariktan. Kaagad namang pumayag ang pinuno ng mga ipis. Pagkatapos ng maikling paghahanda ay sabay-sabay nang lumipad ang lahat ng ipis patungong palasyo.

Masayang-masaya ang hari sa pagpapaunlak ng mga ipis sa kanyang hiling. Sinabihan niya ang mga ito na ituring na parang kanila ang kanyang palasyo. Ang tanging hiling lamang niya ay palaganapin dito ng mga ipis ang kanilang ganda at kalinisan. Tinanggap naman ng mga ipis ang trabahong ibinigay sa kanilang lahi. Kaagad nilang sinimulan ang paglilinis sa bawat sulok ng malaking palasyo.

         Samantala, sa di kalayuan, ay nagkaroon naman ng malaking problema ang mga salagubang. Nagkaroon ng malaking unos sa kanilang lugar kaya’t napilitan silang maghanap ng ibang lugar na matitirhan. Dahil dating matalik na magkaibigan ang mga ipis at ang mga salagubang, naisip ng huli na humingi ng tulong sa kanilang kapwa insekto. Dali-daling nagtungo sa palasyo ang kawawang mga salagubang, dala ang kanilang kaunting mga kagamitan.

         Sa pintuan ng palasyo ay hinarang sila ng mga kawal ng hari. Tinanong nito sa pinuno ng mga salagubang kung ano ang kanilang pakay. Ipinaliwanag naman nito na nais nilang humingi ng tulong sa kanilang kaibigan. Ipinatawag ng kawal ang pinuno ng mga ipis at ito ay lumapit sa grupong naka-abang sa tarangkahan.

         Pagkakita ng pinuno ng mga salagubang sa kanyang kaibigan, agad itong nagwika na nais nilang humingi ng tulong. Ikinuwento nito ang kanilang dinanas na paghihirap dahil sa malaking unos. Hiniling niya na sila ay patuluyin sa palasyo kahit na sandal lamang. Kapalit ay handa silang maglingkod sa mga ipis.

         Nakasimangot na tumanggi ang pinuno ng mga ipis sa kahilingan ng mga salagubang. Ayaw nitong madumihan ang nilinis nilang palasyo. Sinabi pa nitong umalis na kaagad ang mga salagubang dahil naaamoy sa loob ng palasyo ang kanilang baho. Baka maamoy sila ng hari at mapulaan ang mga ipis.

         Malungkot at nanlulumong umalis ang mga salagubang. Hindi na nila alam kung saan pa sila hihingi ng tulong. Nagtayo sila ng maliliit na bahay sa labas ng kaharian at doon ay pinilit na makabangon mula sa sakuna na kanilang dinanas.

         Lingid sa kaalaman ng pinuno ng mga ipis, nakaabot pala sa hari ang kanyang pagtataboy sa mga salagubang. Ipinatawag ng hari ang dalawang pinuno at sila ay nagharap-harap. Dahil sa ipinakitang panghahamak at pagmamalaki ng pinuno ng mga ipis, pinarusahan ito at ang kanyang mga kauri ng hari. Isinumpa sila na maging marumi at mabaho. Pinalayas sila ng hari mula sa kanyang kaharian at sila ay napilitang mamuhay kasama ng mga tao. Nabalutan din ang katawan ng mga ito ng mikrobyo na sadya namang pinandidirihan ng mga tao. Napilitang magtago sa dilim ang mga ipis.

         Ang mga salagubang naman ay binigyan ng hari ng karapatang manirahan sa mga puno sa kanyang kaharian. Dahil sa kanilang angking pagkamasiyahin ay naging kaaya-aya ang mga insektong ito sa mga tao.

         Mula noon ay natuto na ang mga ipis subalit naging huli na ang lahat. Tuwing gabi at madilim na lamang sila nakalalabas at tuwing makikita sila ng tao ay sumisigaw ang mga ito at pilit silang pinapatay. Nalimutan na nilang dati ay sila ang pinakamaganda, pinakamalinis, at pinakamabangong insekto sa mundo.

Download the exercises here:
Filipino 3 - Ang Alamat ng Ipis Modyul

Comments

Popular posts from this blog

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...