Friday, February 28, 2020

Simuno at Panaguri


Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap

Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi.



Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap:


Simuno at Panaguri 1 - Download the PDF copy HERE.




Simuno at Panaguri 2 - Download the PDF copy HERE.




Simuno at Panaguri 3 - Download the PDF copy HERE.


Simuno at Panaguri 4 - Download the PDF copy HERE.



Monday, February 24, 2020

Pangungusap at Parirala


Ang pangungusap ay grupo o pangkat ng mga salita na may buong diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas (. ? !)

Hal.  Sina Meryl at Jenny at mahilig magbasa ng libro.
      Bumili si Gerald ng regalo para sa kanyang nanay noong Linggo.

Ang parirala naman ay grupo ng mga salita na hindi buo ang diwa.

Hal.  Sina Meryl at Jenny
      noong Linggo
      ng regalo para sa kanyang nanay

Subukan mo ngang Sagutin: Alamin kung ang pangkat ng mga salita ay pangungusap o parirala. Ang mga halimbawa ay sadyang nakasulat gamit ang maliit na titik at walang bantas.

1. puting medyas na nasa ilalim ng kama
2. mabilis tumakbo si Luisito
3. tahimik na nakikinig
4. inayos ni Amy ang mga libro
5. nanonood ng programa sa telebisyon si Hannah

Sagot:
1. parirala
2. pangungusap
3. parirala
4. pangungusap
5. pangungusap

Narito ang ilan pang pagsusulit na maaaring gamitin upang subukin ang kaalaman ukol sa pagkilala ng parirala at pangungusap: 

Parirala 1 - Download the PDF copy here.


Parirala 2 - Download the PDF copy here.


Parirala 3 - Download the PDF copy here.



Parirala 4 - Download the PDF copy here.


Maaari mo ring sagutin ang online quiz na ito:




Online Quiz - Pangungusap o Parirala

Narito ang isang madaling pagsusulit upang matutong kumilala ng pangungusap at parirala.


Thursday, February 20, 2020

Saan Nagmula ang Ulan? - Module

I personally hate the rain. Well, I love that it helps the farmers water their plants and that it's free water for many. BUT, I hate getting wet. I hate the damp feeling that it brings. 

It rained a little the other day so it made me think of an origin story for it. Here is a legend of how the rain came to be.



Noong panahong kalilikha pa lamang ng mundo, may isang higanteng nakatira sa loob ng isang madilim na kuweba. Ang pangalan ng higante ay Wulan. Si Wulan ay sadyang nakatatakot dahil sa kaniyang angking laki at tapang. Lahat ng taong naninirahan malapit sa kuweba ay takot na takot sa kaniya.  . 
   
Sa panahong iyon, ang tubig na ginagamit ng mga tao sa pagdidilig at paghuhugas ay nanggagaling sa dagat. Pati na ang kanilang iniinom ay sa dagat rin nila kinukuha. Dahil maalat ang tubig, hindi nagugustuhan ng mga tao ang lasa nito.


Isang araw, habang ang mga lalaki ay nangangaso, nakatuklas sila ng isang bukal ng tubig malapit sa kuweba ni Wulan. Sinubukan nilang inumin ang tubig na bumubulwak mula sa lupa. Napakasarap ng tubig! Napakalamig pa! Natuwa ang mga mangangaso. Naghiyawan sila sa galak. Dahil sa ingay ay nagising si Wulan at tumakbo ito patungo sa pinagmumulan ng hiyawan.


“Lumilindol!” ang sigaw ng mga lalaki. “Hindi, si Wulan ang nagpapayanig sa lupa. Hayun siya’t tumatakbo papalapit dito,” ang sagot naman ng isa.

Kumubli tayo at baka tayo ay kanyang makita. Siguradong magagalit iyon dahil nagising natin siya ng ating ingay!” sabi ng kanilang pinuno. Mabilis na nagsipagtago ang mga lalaki, kaya wala nang naabutan si Wulan. Ito ay nayayamot na bumalik sa kaniyang kuweba.


Dahil sa napakasarap ng tubig na nagmula sa bukal, nagbalak ang mga taong bumalik dito upang sumalok ng maiinom.


“Tayo ay sasalok lamang ng tubig tuwing hatinggabi, habang natutulog si Wulan. Bawal ang maingay dahil lahat tayo ay siguradong mapapahamak kapag siya ay ating nagising,” ang sabi ng kanilang pinuno.

Isang hatinggabi, habang napakaraming tao ang nakapila upang sumalok ng tubig sa bukal, hindi sinasadya ng isang babae na maihulog ang kanyang dalang timba. Ito ay tumama sa isang malaking bato at lumikha ng napakalakas na ingay.

Si Wulan ay tumakbo palabas ng kuweba. Dala niya ang isang napakalaking lambat. “Napaka-ingay!” ang galit na sigaw nito. Inihagis niya ang lambat at nakahuli siya ng daan-daang tao. Ibinilanggo niya ang mga taong kaniyang nahuli sa mga ulap.

“Mula ngayon ay diyan na kayo maninirahan. Iyan ang parusa niyo sa paggising ninyo sa akin” ang dumadagundong na wika ng higante.

Marami sa mga nabihag ni Wulan ay dala pa ang kanilang timbang puno ng tubig mula sa bukal. Ibinaba nila ang mga ito sa ulap. Tuwing sumisigaw si Wulan ay nayayanig ang mga ulap at nanginginig ang mga timba. Tumatapon ng bahagya ang tubig na laman ng mga ito. Ang malamig at masarap na tubig ay bumubuhos mula sa mga ulap papunta sa lupa. Ang tubig ay tinawag ng mga tao na “wulan”. Di naglaon ay nakilala ito bilang ulan.
 
 
 

You can download the PDF copy of this module here.

  


Wednesday, February 19, 2020

Pang-Ukol Online Quiz

Narito ang isang napakadaling pagsusulit sa pagpili ng angkop na pang-ukol.


Thursday, February 13, 2020

Pang-ukol


Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.


           Ang Sabi ng PAGASA        
    
       Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio.

Meryl:   Ano raw ang sabi ng tagapagbalita?
Albert:  Ayon daw sa PAGASA, Signal Number 2 na ang bagyo dito sa Metro Manila. Wala tayong pasok.
Meryl:   Pero ayon kay Nanay, meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga niya ang baon para sa atin.
Albert:  Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo.
Meryl:   Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa balita.

          Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngalan o panghalip, sa pangungusap o sa pinag-uukulan ng isang gawain.

Narito ang halimbawa ng mgapang-ukol na karaniwan nating ginagamit:


Narito ang ilang madaling pagsusulit upang hasain ang kaalaman sa pang-ukol:
 

Click here for the PDF Version - Pang-ukol 1

Click here for the PDF Version - Pang-ukol 2


Click here for the PDF Version - Pang-ukol 3




Monday, February 10, 2020

Si Kulas Kalimot Modyul

Are you always coming in late for school (or work) because you keep forgetting things. I am. I would walk out the door, get to the car, and realize that I forgot my wallet/phone/both. My son is the same. So, I decided to make a story about it. It's not "true to life" but close enough.


     Tinanghali na naman nang pasok sa kanilang klase si Kulas. Habang dahan-dahang pumapasok sa klasrum ang bata ay tinanong ito ng kanilang guro. “Nicholas, bakit nahuli ka? Hindi ka tuloy nakasali sa ating flag ceremony.”

     “Pasensiya na po, ma’am. Maaga naman po akong umalis sa amin kaya lang ay bumalik po ako sa bahay dahil nakalimutan ko pong dalhin ang aking proyekto sa Science,” ang nahihiyang sagot ng bata.

     Napabuntong-hininga na lamang ang guro. Karaniwang pangyayari na ang pagpasok ni Kulas nang huli sa klase. Noong isang linggo ay nahuli siya dahil nakalimutan niya ang kaniyang baunan. Dalawang linggo naman bago iyon ay bag naman niya ang kaniyang naiwanan. Minsan ay tinatawag na siyang “Kulas Kalimot” ng kanyang mga kaibigan dahil tila hindi lumilipas ang isang linggo na wala itong nakalilimutan.

     Isang araw, ginrupo-grupo ng kanilang guro sa Filipino ang kanilang klase. Sila ay magkakaroon ng pangkatang pagtatanghal. Lahat sila ay mayroong parte. Dahil magaling umarte, si Kulas ang naatasang maging bida kahit na malaki ang alinlangan ng kanyang mga kagrupo. “Kulas, huwag kang mahuhuli sa araw ng pagtatanghal ha!” ang paalala ng kanyang mga kagrupo. “Kulas, pumasok ka nang maaga,” ang dagdag pa ng kanilang lider. “Oo, maaga akong papasok,” ang sagot naman ni Kulas.


      Sa araw ng pagtatanghal, maagang bumangon si Kulas. Inilagay na niya ang bag ng kanyang “costume” sa may pintuan para hindi niya ito malimutan. Mabilis siyang kumain ng agahan at naghanda para sa pagpasok. Pagkatapos magsepilyo ay tumakbo na si Kulas palabas ng bahay. Kaagad siyang pumara ng traysikel at sumakay papunta sa kanilang paaralan.

     Pagbaba niya ng traysikel ay napansin niyang kulang ang kaniyang dala. “Nasaan ang bag ng aking damit?” ang natatarantang tanong ng bata. Mabuti na lamang at hindi pa nakalalayo ang traysikel kaya mabilis siyang nakasakay at nakabalik sa kanilang bahay. Pagpasok niya ay nakita niya agad ang kaniyang bag na nasa may pintuan. Dali-dali niyang kinuha ang bag at tumakbo papabalik sa traysikel. “Kuya, bilisan mo po ha, mahuhuli na kasi ako sa klase” ang pagmamakaawa ng bata sa drayber. Pinaharurot ng drayber ang kanyang motor at mabilis naman silang nakarating sa paaralan.

     Pagpasok sa klasrum ay nakita niyang nagsimula na ang pagtatanghal. “Kulas! Huli ka na naman. Bakit hindi ka pa nakabihis?” ang pabulong at naiinis na tanong ng kanilang lider. Hindi na nagpaliwanag si Kulas. Tumakbo siya papunta sa likod ng kurtina at mabilis na nagbihis. Sa kabutihang palad ay umabot si Kulas sa kaniyang parte sa pagtatanghal.

     Pagkatapos ng kanilang klase, nagtipon ang kanilang grupo at pinagsabihan si Kulas ng kanilang lider. “Kulas, nakasalalay sa’yo ang ating grado. Mabuti at umabot ka! Sa susunod ay hindi ka na talaga namin isasali,” galit na wika nito.

      Noong hapon ay kinausap ni Kulas ang kaniyang nanay. “Buti na lang po at umabot ako, kung hindi, siguradong magagalit silang lahat sa akin,” ang sabi ng bata sa kanyang nanay matapos nitong ikuwento ang nangyari.

      “Ay, Nicholas. Kahit ako naman ay magagalit sa iyo kung ako ang iyong kagrupo. Siguro ay kailangan mo nang maghanap ng solusyon sa pagiging makakalimutin mo,” ang sagot naman ng nanay niya. “Bakit hindi ka gumawa ng listahan ng mga bagay na kailangan mong dalhin. I-check mo ang listahan bago ka umalis,” ang payo nito. “Idikit natin sa pinto ang listahan at siguraduhin mong kumpleto lahat ng dala mo bago ka lumabas,” ang dagdag pa nito.

      “Sigo po. Susubukan ko pong gumawa ng listahan. Mag-iisip pa ako ng ibang solusyon para hindi na ako maging makakalimutin,” ang sagot naman ng bata.

      Kinabukasan ay sabay na lumabas ng bahay sina Kulas at ang kaniyang nanay. Bago makalayo ng bahay ay inalala ni Kulas ano ang kaniyang mga dapat na dala. Wala siyang nakalimutan.

      “Mauna ka na sa kanto, anak” ang sabi ng kaniyang nanay. “Bakit po?” ang nalilitong tanong naman ni Kulas. “Nakalimutan ko kasi ang aking pitaka,” ang nahihiyang sagot ng kaniyang nanay habang nagmamadali itong naglalakad pauwi. Napailing na lang si Kulas. Hindi lang pala siya ang makakalimutin sa kanilang pamilya.












You can download the module here. It contains vocabulary exercises, reading comprehension questions, and a writing activity.