Is there anything that your parents do that annoys you? Do they prevent you from doing stuff that you know you will enjoy? Sometimes, parents do those things because they think they are protecting you. Most of the time, they are right. Is the same thing what happened to Armando in his story? Let's find out.
Si Armando ay ang kaisa-isang anak ni Aling Nida at Mang Mateo. Dahil ayaw ng kanyang mga magulang na siya ay masaktan, siya ay palagi nilang pinagsasabihan. Madalas niyang marinig ang, “Huwag mong gawin iyan,” o “Bawal kang magpunta doon.” Naiinis si Armando tuwing siya ay pinagbabawalan, lalo na ng kanyang nanay. Naiisip niya na walang tiwala ang kanyang ina sa kanyang kakayahan at gusto nito na siya ay nasa loob lamang ng bahay.
May isang bagay na talagang gustung-gustong gawin si Armando na mahigpit namang ipinagbabawal ng kanyang ina – ang maligo sa ilog. “Napakabilis ng daloy ng tubig sa ilog. Maliit ka pa at kayang-kaya kang matangay ng agos nito,” ang laging paalala ng kanyang ina sa bata.
Ngunit naniniwala si Armando na kaya niyang maglangoy sa ilog. Tinuruan na siya ni Mang Mateo na maglangoy sa sapa malapit sa kanilang bahay. “Matatakutin lang talaga si Nanay,” ang sabi nito sa sarili. Nangako ito na sa susunod na pagkakataon ay maliligo siya sa ilog.
Isang hapon, napadaan sina Armando at ang kanyang mga kaklase sa ilog. Napakainit noong araw na iyon kaya’t nagkayayaan silang magpalamig sandali. Hinubad nila ang kanilang mga uniporme at lumusong kaagad. Napakalamig ng tubig! Masayang nagtampisaw ang mga bata sa mababaw na bahagi ng ilog.
Maya-maya ay naisip ni Armando na magtungo sa mas malalim na bahagi ng ilog. Pagdating niya sa gitna ay naramdaman niyang bumilis ang agos ng tubig. Sinubukan niyang tumayo ngunit hindi na niya abot ang ilalim ng ilog. Nagsimula na siyang anurin ng agos at wala siyang magawa.
Labis na lang ang takot ni Armando nang lumubog ang ulo niya. Kahit na anong kampay at sipa, hindi siya makalangoy pabalik sa mababaw na bahagi ng ilog. Malakas niyang ikinampay ang kanyang kamay at sumigaw ng, “Saklolo!” nang mailabas niya ang kanyang ulo mula sa tubig.
Ngunit hindi marunong maglangoy ang mga kasama ng bata. Napatingin na lang sila sa kanilang kaibigan na noon ay nakalubog na naman. Mabuti na lamang at may lalaking biglang tumalon sa tubig at lumangoy para sagipin si Armando. Pinaliliguan pala ng kanilang kapitbahay ang kanyang kalabaw sa ilog kaya’t siya ay mabilis na nakatulong.
“Salamat po, Mang Tacio. Akala ko’y mamamatay na ako,” ang pasasalamat ni Armando. “Tama ang aking nanay. Hindi ko pa nga kayang maglangoy sa ilog. Dapat ay nakinig ako sa kanya,” ang dagdag pa nito.
At mula noon ay natuto na si Armando na sumunod sa kanyang ina at ama. Hindi na siya naiinis kapag pinagsasabihan siya ng kaniyang ina. Napagtanto niyang mas alam ng mga magulang kung ano ang dapat para sa kanilang mga anak kaya tama lang na sila ay pakinggan at sundin.
You can download the module here.
Anong antas Ng pag papahalaga Ang kanyang pinahahalagahan
ReplyDelete