Here are worksheets to help your child practice writing verbs in the present progressive tense (aspektong nagaganap).
Filipino 2 - Aspektong Nagaganap - Pandiwa
A 15-item exercise in writing the correct form of the verb
Filipino 2 - Aspektong Nagaganap - Pandiwa 2
15-items more of the same type of exercise
Wednesday, October 31, 2018
Tuesday, October 30, 2018
Aspektong Magaganap - Pandiwa
These are exercises in writing the future tense form of the given verbs.
This contains 12-items of writing the future tense of the given verbs. This talks about the New Year Resolution of a young child wanting to be a better person.
Another 12items of the same exercise. This talks about the plans for a young boy's birthday celebration.
Monday, October 29, 2018
Wastong Gamit ng Pandiwa
Do you know when to use "pahirin" and when to use "pahiran"? Filipino verbs can be a little confusing. Here is a lesson that will hopefully clear it up a bit.
Short quizzes for this lesson here:
This is a 20-item exercise sheet for practicing how to use the correct verb.
12 more items for using the right form of the verb to complete sentences.
Friday, October 26, 2018
Ang Dalawang Magkaibang Pinuno Modyul
This is a long read for the older students (Grade 6 and above, I think). I modified this story from another because the original was too sad for me.
Noong unang panahon, sa isang malayong pook na nagngangalang Sitio
Kinabukasan, makapal na makapal ang kagubatan at ang mga hayop ay maiilap.
Malayo ang pagitan ng mga bahay kaya’t madalang na may taong lumilibot dito
maliban sa magkapatid na Hiraya at Amyuin. Sila ang anak ng dating
tagaapamahala ng Sitio Ipo.
Maagang naulila ang dalawa dahil natabunan ng
lupa ang kanilang ama at ina nang tamaan ang sitio ng isang delubyo ilang taon
na ang nakalilipas. Simula nang pumanaw
ang ama, si Hiraya na ang tumayong tagapangalaga ng Sitio Kinabukasan. Bagaman
siya’y bata pa, sinikap ni Hirayang pamahalaan ang sitio sa paraang inaakala
niyang matuwid. Nagbigay siya ng mga kautusan. Ang sinumang sumusuway sa mga kautusan ng sitio ay
agad niyang pinarurusahan.
Narito ang mga kautusan ng sitio:
Bawal manghuli
ng kahit anong hayop sa gubat.
Bawal maligo
sa ilog araw-araw.
Bawal pumitas
ng kahit anong pananim sa kapatagan.
Bawal
mangisda sa lawa.
Bawal magtayo
ng bahay sa dalampasigan.
Bawal uminom
sa bukal.
Maraming tutol sa mga
kautusan ni Hiraya. Kabilang na rito ang kanyang kapatid na si Amyuin. Madalas
nilang pinagtatalunan ang mahigpit
na pamamalakad ni Hiraya. Maraming pagkakataon na ring naging tagapagtanggol ng
mga taga-Sitio Kinabukasan si Amyuin.
Isang araw,
inabutan ni Hiraya ang ilang kabataan na nangunguha ng mga bungangkahoy.
“Walang
makababali sa aking mga utos! Sino ang nagpahintulot
sa inyong mamitas ng mga bungangkahoy rito? Hindi ba’t mahigpit kong
ipinagbilin sa inyo na huwag babawasan ang anumang prutas at gulay rito sa kapatagan?”
galit na usisa ni Hiraya.
Nanginginig
sa takot ang mga bata. Wala ni isa man sa kanilang makapagsalita. Dahan-dahan
nilang ibinaba sa lupa ang mga prutas na pinitas.
Inabutan ni
Amyuin ang tagpong iyon. “Sandali!” tawag nito. “Pabayaan mo na sila. Ako ang
nagpahintulot sa kanilang mamitas ng makakain sa pook na ito. Hinog na hinog na
ang mga bunga ng balimbing, mabolo, at abokado. Nangangalaglag na nga ang mga
ito sa lupa, tinutuka lang ng mga ibon. Hayaan mong ang mga batang ito naman
ang makinabang sa mga prutas,” pagsusumamo
ni Amyuin sa kapatid.
“Wala ka sa
katwiran, Amyuin! Higit na mapapanatag ang aking kalooban kung ang mga agila at
kilyawan ang manginginain nito kaysa sa mga paslit na walang alam kundi
magtawanan at maghabulan!” bulalas ni Hiraya.
“Malupit ka,
Hiraya!” hagulgol ni Amyuin.
“Kailangan
bang laging mahabag? Tingnan mo ang sinapit ng ating mga magulang. Inabuso ng
mga tao ang kanilang kabaitan. Naubos ang mga yaman ng Sitio Kinabukasan. Halos
nakalbo na ang kagubatan kaya’t walang sumipsip ng tubig noong lumakas ang
ulan. Sila ang may kasalanan kung bakit natabunan ng lupa ang ating mga
magulang. Kung naging mas mahigpit lang si Ama, hindi magkakaroong ng pagguho
ng lupa,” ang mahabang paliwanag ni Hiraya.
“Oo nga’t
nagbalik na ang mga puno’t halaman. Pati ang mga hayop ay bumalik na rin sa
kanilang mga tahanan. Ngunit ang mga tao rito ay pinaghaharian ng takot,”
malungkot na tugon ni Amyuin.
“Wala akong
pakialam kung sila ay natatakot basta sumunod sila sa mga kautusan,” ang sagot
ni Hiraya sabay talikod sa kapatid.
Pagkatapos ng
kanilang pagtatalo, mabilis na nilisan
ni Amyuin ang Sitio Kinabukasan. Tinunton
niya si Engkantada Mayumi, ang mabait na engkantada ng kagubatan. Humingi ng
tulong sa engkantada ang malungkot na dalaga.
“Naiintindihan
ko ang iyon problema ngunit naiintindihan ko rin kung bakit puno ng poot ang puso ni Hiraya. Alam kong may
pag-asa pang magbago ang kaniyang isip ngunit maaaring hindi pa ito ang tamang
panahon para magbago ang kaniyang isip,” ang marahang sambit ni Engkantada
Mayumi.
“Pumaroon ka,
Amyuin, sa dakong timog-kanluran. Pamunuan mo ang pook na aking ipagkakaloob,”
utos ng engkantada.
Mabilis na
tinungo ni Amyuin ang lugar na tinuring ni Engkantada Mayumi. Tinawag niyang
Sitio Bagong Silang ang lugar. Inalagaan ni Amihan ang mga puno at hayop sa
kanyang lugar na nasasakupan. Hindi nagtagal ay nagsimula nang dumating ang
ilang tao at nagtayo sila ng kanilang tirahan sa Sitio Bagong Silang.
Habang padami
nang padami ang naninirahan sa sitio, napansin ni Amyuin na nagsisimula namang
makalbo ang ilang bahagi ng kagubatan. Dumudumi na rin ang tubig sa mga lawa at
ilog. Kumonti na rin ang mga nahuhuling isda rito. Habang dumadami kasi ang mga
tao ay lalo ring dumadami ang pangangailangan para sa lupang titirahan,
pagkain, at kagamitan. Naalala ni Amyuin ang mga kautusan ni Hiraya. Naisip
niyang gayahin ang kanyang kapatid kaya’t pinulong niya ang mga naninirahan sa
kanyang sitio.
“Mga
kaibigan, nagagalak akong makita
kayong lahat. Pinulong ko kayo dahil may mga napapansin ako sa ating sitio na nakababahala sa akin. Mukhang
napakabilis nating nauubos ang yaman ng ating kalupaan ngunit hindi naman ito
napapalitan. Mukhang kailangan na nating magkaroon ng ilang kautusan upang
maprotektahan ang ating Sitio Bagong Silang,” ang pahayag ng dalaga.
“Kautusan?
Kaya nga kami umalis sa Sitio Kinabukasan eh. Masyadong mahigpit ang mga
kautusan ni Hiraya at mabilis pang magparusa,” ang tutol ng ilang bagong dating.
“Ang aking
mga kautusan ay hindi masyadong mahigpit. Ang mga ito ay para lamang
maprotektahan kayo at ang ating mga yaman laban sa pagkaubos,” ang paliwanag ni
Amyuin.
“Halimbawa,
kung ikaw ay puputol ng isang puno, kailangan mong magtanim ng apat na punong
kapalit nito. Nang sa gayon ay hindi makalbo ang ating kagubatan. Kung kayo
naman ay mangingisda, ipagbabawal ang paghuli sa mga maliit pang isda upang
sila ay magkaroon ng pag-asang lumaki at magparami,” ang dagdag na paliwanag pa
nito.
Naunawaan naman ng mga tao ang nais na mangyari ni Amyuin.
Makatwiran kasi at mabuting naipaliwanag ng dalaga ang mga kautusan. Naging
disiplinado ang mga tao at minahal nila ang namumuno sa Sitio Bagong Silang.
Isang araw, may isang
lalaking dumating sa sitio. Nabalitaan kasi niyang may isang matalinong dalaga
na namumuno dito. Nais niyang matuto kung paano mamuno sa isang lugar nang
hindi kinatatakutan ng mga taong nakatira rito.
Agad na nakilala ni Amihan
ang bagong salta. “Hiraya! Kay tagal
kitang hindi nakita,” ang paiyak na sigaw ng dalaga habang tumatakbo palapit sa
kapatid.
“Nabalitaan kong
napakagaling daw ng pinuno ng sitiong ito. Bukod sa masagana ang kapaligiran ay mahal na mahal din siya ng kanyang mga
nasasakupan. Ikaw pala ang pinunong iyon. Nais kong matuto mula sa iyo, aking
kapatid,” ang buong pagkukumbabang wika ni Hiraya.
Nanirahan ng panandalian ang
binata sa Sitio Bagong Silang. Dito ay natutunan niya ang mga makatarungang
kautusan na ipinatutupad ni Amyuin. Di naglaon ay bumalik na si Hiraya sa Sitio
Kinabukasan upang ipatupad ang mga bagong kautusan. Matapos ang ilang buwan,
naging masaya at masagana na rin ang Sitio Kinabukasan tulad ng Sitio Bagong
Silang. Ang mga nasasakupan ni Hiraya ay hindi na rin natatakot sa kanya. Sa
halip ay mahal na nila at iginagalang ang kanilang dating malupit na pinuno.
Download the module here.
Saturday, October 20, 2018
Ang Batang Mahilig Magtago Modyul
I created a story based on "Si Pilong Patago-tago". This story is very short and is quite an easy read.
It contains a short comprehension test, hunting for and identifying the tense of verbs, and a short writing exercise.
Download the module here: Ang Batang Mahilig Magtago
It contains a short comprehension test, hunting for and identifying the tense of verbs, and a short writing exercise.
Ang
Batang Mahilig Magtago
Ang
paboritong laro ni Tonyo ay taguan. Siya ang pinakamagaling magtago sa kanilang
magkakalaro. Nagtatago siya sa loob ng maliliit na basurahan, sa tuktok ng
mataas na puno, at sa likod ng mapapayat na poste.
“Tonyo!
Nasaan ka na naman?” ang sigaw ng kanyang nanay. “Umuwi ka na at gumagabi na,”
ang dagdag pa nito. Hindi makita ng kanyang nanay si Tonyo. Nagtatago pala ito
sa likod ng kanilang halamang santan. Tumalon si Tonyo patayo at ginulat ang
kanyang nanay. “Nay! Galingan mo naman po ang paghanap sa akin,” ang sabi nitong
pabiro habang papasok sa kanilang bahay.
“Tonyo!
Nasaan ka na naman?” ang sigaw ng kanyang tatay. “Itabi mo nga ang mga laruan
mo, matatapakan ko na naman itong robot mo o!” ang dagdag pa nito. Hindi makita
ng kanyang tatay si Tonyo. Nagtatago kasi ito sa loob ng kaniyang kabinet.
Tumalon si Tonyo palabas ng kanyang kabinet at ginulat ang kanyang tatay. “Tay!
Galingan mo naman ang paghanap sa akin,” ang sabi nitong pabiro habang
sinisimulan nang damputin ang mga laruan sa sahig.
“Tonyo!
Nasaan ka na naman?” ang sigaw ng kanyang kuya. “Maligo ka na. Maiiwan na naman
tayo ng ating school bus,” ang dagdag pa nito. Hindi makita ng kanyang kuya si
Tonyo. Nagtatago pala ito sa ilalim ng kanyang kama. Tumalon si Tonyo patayo at
ginulat ang kanyang kuya. “Kuya! Galingan mo naman ang paghanap sa akin,”
ang sabi nito habang kinukuha ang kanyang tuwalya.
Isang araw, umuwi si Tonyo mula sa kanyang
paaralan at nadatnang madilim ang kanilang bahay. “Nay? Tay? Bakit po walang
ilaw?” ang sigaw nito. Walang sumagot sa kanya. Nakaramdam ng kaunting takot si
Tonyo habang binubuksan ang mga ilaw sa sala at hapag kainan. Sumilip siya sa
kuwarto ng kaniyang mga magulang. Pumasok din siya sa kuwarto ng kanyang kuya.
Pati ang banyo ay kanyang pinuntahan. Wala sila doon. Nasaan sila?
Lumabas ulit si Tonyo papuntang sala
kung saan siya ay nagulat ng napakalakas na sigaw, “Surprise!” Napasigaw si
Tonyo sa sobrang gulat. Nagtawanan ang kanyang nanay, tatay, kuya, at ilan pang
bisita. “Nagulat ka, ano?” ang pabirong tanong ng kanyang nanay. “Hindi mo
naman ginalingan ang paghanap sa amin, anak,” ang pabiro ring dagdag ng kanyang
tatay. “Maligayang kaarawan, Tonyo!” ang sabi ng kanyang kuya. “Nagustuhan mo
ba ang aming sorpresa?”
Tumawa ng malakas si Tonyo.”Natalo niyo
ako sa taguan!” ang masayang sambit nito.
Saturday, October 13, 2018
Uri ng Pandiwa - Katawanin o Palipat
Here is an intro video to the kinds of verbs (uri ng Pandiwa):
Now that you know the difference between a transitive verb (Palipat) and intransitive verbs (Katawanin), test what you know by answering any of these simple worksheets:
Palipat o Katawanin 1 - this is a 10-item quiz on identifying if the underlined verb is transitive or intransitive. There is also a very short writing exercise.
Palipat o Katawanin 2 - this is another version of the 10-item quiz on identifying if the underlined verb is transitive or intransitive. There is also a very short writing exercise.
Palipat o Katawanin 3 - This is a little harder than the two previous quizes. You will have to identify the verb and then determine what kind it is. You will then be asked to use the given verbs to write 2 sentences.
Now that you know the difference between a transitive verb (Palipat) and intransitive verbs (Katawanin), test what you know by answering any of these simple worksheets:
Palipat o Katawanin 1 - this is a 10-item quiz on identifying if the underlined verb is transitive or intransitive. There is also a very short writing exercise.
Palipat o Katawanin 2 - this is another version of the 10-item quiz on identifying if the underlined verb is transitive or intransitive. There is also a very short writing exercise.
Palipat o Katawanin 3 - This is a little harder than the two previous quizes. You will have to identify the verb and then determine what kind it is. You will then be asked to use the given verbs to write 2 sentences.
Monday, October 8, 2018
Ang Tatlong Biik Modyul
This is a story about three piglets and their adventure versus the big wolf. I incuded a lot of comprehension and writing exercises to go with the translated story.
It contains a vocabulary exercise, comprehension questions, open-ended questions, sequencing events, identifying character traits, filling up a graphic organizer based on story elements, and providing an alternate ending. There is even a bonus exercise requiring creativity.
Read and download the module here:
It contains a vocabulary exercise, comprehension questions, open-ended questions, sequencing events, identifying character traits, filling up a graphic organizer based on story elements, and providing an alternate ending. There is even a bonus exercise requiring creativity.
Read and download the module here:
Ang Tatlong Biik
May tatlong biik
na nagdesisyong maglakbay upang
hanapin ang kanilang kapalaran.
Napag-usapan ng mga biik na humanap ng lugar kung saan sila makapagatayo ng
bahay. Sila ay naghiwahiwalay upang humanap ng maayos na lugar na maaari nilang
tirahan.
May
pagkatamad ang unang biik kung kaya’t hindi siya masyadong lumayo. Siya ay
nagtayo ng maliit na bahay na gawa sa dayami. Isang araw, may napadaang isang
lobo at nakita nito ang biik na nakatira sa loob ng bahay na dayami. Sa isang
malakas na ihip lamang ay napatumba
na nito ang bahay na ginawa ng unang biik. Sa takot na makain ng lobo, ang
unang biik ay nagtatakbo hanggang sa makarating ito kung nasaan ang ikalawang
biik.
Wais naman ang pangalawang biik kaya
nagtayo siya ng kanyang bahay sa may di kalayuan mula sa kung saan sila
naghiwahiwalay ng kanyang mga kapatid. Gumamit siya ng kahoy at pawid upang
itayo ang kanyang bahay. Hindi nagtagal ay dumating na ang malaking lobo na
humahabol sa unang biik. Sa isang malaking ihip ay nanginig ang bahay na gawa sa kahoy at pawid. Isang ihip pa ay
napatumba na ng lobo ang bahay na ginawa ng ikalawang biik. Sa takot ng
dalawang biik ay kumaripas sila
hanggang sa matunton nila ang ikatlong biik.
Ang
ikatlong biik ay hindi lamang matalino. Siya ay masipag rin. Nagtayo siya ng
bahay na nasa tuktok ng maliit na burol at gumamit siya ng bato upang mabuo
ito. Saktong katatapos pa lamang niyang itayo ang bahay nang dumating na humahangos ang kanyang dalawang kapatid
na biik.
Hindi
nagtagal ay dumating na rin ang malaking lobo. Gutom na gutom na ito at sabik na sabik nang kainin ang tatlong
biik. Hinipan niya ang bahay na bato ngunit hindi man lamang ito nanginig.
Hinipan niya nang paulit-ulit ang bahay ngunit hindi niya ito napatumba. Habang
nagpapahinga, napatingin sa bandang bubong ng bahay ang lobo. Nakita niya ang
chimineya at naisip niyang duon na lamang magdaan upang mahuli ang tatlong
biik. Lingid sa kanyang kaalaman, nagsimula nang magsindi ng apoy ang tatlong biik sa ilalim ng chimineya. Nagsalang
sila ng isang malaking kaldero ng
tubig. Pagbaba ng lobo mula sa chimineya ay nalaglag ito sa palayok ng
kumukulong tubig! Nagtatakbo paalis ang lobo at hindi na muling nagbalik. Dahil
sa nangyari, natuto nang magsipag ang dalawang biik.
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
May bagong lesson at worksheets Simuno at Panaguri: Mga Bahagi ng Pangungusap Ang bawat buong pangungusap ay may dalaw...
-
Teacher Abi UPCAT Language Proficiency Readiness Assessment Teacher Abi UPCAT Language Proficiency Readiness Asse...
-
Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit. ...
