I created a story based on "Si Pilong Patago-tago". This story is very short and is quite an easy read.
It contains a short comprehension test, hunting for and identifying the tense of verbs, and a short writing exercise.
Download the module here: Ang Batang Mahilig Magtago
It contains a short comprehension test, hunting for and identifying the tense of verbs, and a short writing exercise.
Ang
Batang Mahilig Magtago
Ang
paboritong laro ni Tonyo ay taguan. Siya ang pinakamagaling magtago sa kanilang
magkakalaro. Nagtatago siya sa loob ng maliliit na basurahan, sa tuktok ng
mataas na puno, at sa likod ng mapapayat na poste.
“Tonyo!
Nasaan ka na naman?” ang sigaw ng kanyang nanay. “Umuwi ka na at gumagabi na,”
ang dagdag pa nito. Hindi makita ng kanyang nanay si Tonyo. Nagtatago pala ito
sa likod ng kanilang halamang santan. Tumalon si Tonyo patayo at ginulat ang
kanyang nanay. “Nay! Galingan mo naman po ang paghanap sa akin,” ang sabi nitong
pabiro habang papasok sa kanilang bahay.
“Tonyo!
Nasaan ka na naman?” ang sigaw ng kanyang tatay. “Itabi mo nga ang mga laruan
mo, matatapakan ko na naman itong robot mo o!” ang dagdag pa nito. Hindi makita
ng kanyang tatay si Tonyo. Nagtatago kasi ito sa loob ng kaniyang kabinet.
Tumalon si Tonyo palabas ng kanyang kabinet at ginulat ang kanyang tatay. “Tay!
Galingan mo naman ang paghanap sa akin,” ang sabi nitong pabiro habang
sinisimulan nang damputin ang mga laruan sa sahig.
“Tonyo!
Nasaan ka na naman?” ang sigaw ng kanyang kuya. “Maligo ka na. Maiiwan na naman
tayo ng ating school bus,” ang dagdag pa nito. Hindi makita ng kanyang kuya si
Tonyo. Nagtatago pala ito sa ilalim ng kanyang kama. Tumalon si Tonyo patayo at
ginulat ang kanyang kuya. “Kuya! Galingan mo naman ang paghanap sa akin,”
ang sabi nito habang kinukuha ang kanyang tuwalya.
Isang araw, umuwi si Tonyo mula sa kanyang
paaralan at nadatnang madilim ang kanilang bahay. “Nay? Tay? Bakit po walang
ilaw?” ang sigaw nito. Walang sumagot sa kanya. Nakaramdam ng kaunting takot si
Tonyo habang binubuksan ang mga ilaw sa sala at hapag kainan. Sumilip siya sa
kuwarto ng kaniyang mga magulang. Pumasok din siya sa kuwarto ng kanyang kuya.
Pati ang banyo ay kanyang pinuntahan. Wala sila doon. Nasaan sila?
Lumabas ulit si Tonyo papuntang sala
kung saan siya ay nagulat ng napakalakas na sigaw, “Surprise!” Napasigaw si
Tonyo sa sobrang gulat. Nagtawanan ang kanyang nanay, tatay, kuya, at ilan pang
bisita. “Nagulat ka, ano?” ang pabirong tanong ng kanyang nanay. “Hindi mo
naman ginalingan ang paghanap sa amin, anak,” ang pabiro ring dagdag ng kanyang
tatay. “Maligayang kaarawan, Tonyo!” ang sabi ng kanyang kuya. “Nagustuhan mo
ba ang aming sorpresa?”
Tumawa ng malakas si Tonyo.”Natalo niyo
ako sa taguan!” ang masayang sambit nito.
Comments
Post a Comment