Sunday, February 7, 2016

Filipino - Pagbibigay ng Pamagat

Ang pamagat (title) ng isang akda o larawan ay nagpapahayag ng diwa o paksa nito. 

Mahalagang tandaan na sa pagbibigay ng pamagat, mabuting gawin itong maikli at nakatatawag ng pansin. Ito ay kalimitang humihikayat sa mambabasa na ituloy ang pagbabasa sa akda.

Kailangang simulan sa malaking titik ang mahahalagang salita sa pamagat.

Tingnan natin ang halimbawang ito:


          Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na limandaang uri ng pating. Karamihan ng uri ng pating ay nananatili sa tubig-dagat ngunit may iilang nabubuhay sa tubig tabang. Ang pinakamaliit na pating ay may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba naman ay ang butanding. Ito ay umaabot sa haba na labindalawang metro.

Ano ang maaari nating ibigay na pamagat dito?

a. Ang Nakakatakot na Isda
b. Ang Iba't Ibang Uri ng Pating
c. Ang Pating

Para sa akdang ito, ang pinaka-angkop na pamagat ay "Ang Pating". 


Tingnan naman natin itong isang maikling kuwento:

          Sabik na sabik si Julia na pumasok sa paaralan ngayong araw na ito. Kagabi pa lamang ay inihanda na niya ang kanyang uniporme. Naka-ayos na rin ang kanyang bag at baunan. Pagtunog ng kanyang relo, mabilis na bumangon si Julia upang maligo na. Dali-dali siyang nagbihis at pumunta sa silid-kainan. "Julia, mukhang handa ka na para sa unang araw ng pasukan," ang bati ng kanyang nanay. "Opo! Sabik na po akong pumasok!" ang sagot ng bata.

Ano kaya ang magandang pamagat para sa kuwentong ito?

a. Ang Unang Araw ng Pasukan
b. Sabik nang Pumasok si Julia
c. Ang Paaralan ni Julia

Para sa akdang ito, ang pinaka-angkop na pamagat ay "Sabik nang Pumasok si Julia". 


Narito ang ilang sanayang papel na maaaring gamitin para sa pag-aaral ng pagbibigay ng pamagat:

Long quiz on choosing the appropriate title for a short passage / picture

Wednesday, February 3, 2016

Filipino - Kayarian ng Salita

Kayarian ng Salita refers the the structure of a word. Please see the lesson below and try out the quizzes that follow to master this particular concept.




































Filipino 3 - Kayarian ng Salita
This is a short but challenging exercise in recognizing the structure of the given word.




Tuesday, February 2, 2016

Filipino - Paggamit ng Magagalang na Pananalita

          Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa kabuuan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng respeto at paggalang sa kausap.

          Narito ang ilang mga magagalang na pananalita at kung kailan sila ginagamit:


po, ho, opo
(pangsagot sa tanong o tawag)
Makikiraan (po)
(pakikiraan)
Salamat (po)
(pagpapasalamat)
Maaari (po) ba?
(paghingi ng pahintulot)
Walang ano man.
(pagsasagot sa pasasalamat)
Magandang umaga/hapon/gabi/araw (po)
(pagbati)
Pasensiya na (po)
(paghingi ng paumanhin)
Paki…
(paghingi ng pabor o tulong)


Narito ang mga sanayang papel na magagamit sa pag-aaral:

Short quiz in choosing what polite expressions to use in certain situations

Filipino 2 - Magagalang na Pananalita
Short situational quiz on using polite expressions

Filipino 2 - Magagalang na Pananalita
Short situational quiz on using polite expressions (with pics)

Filipino 2 - Magagalang na Pananalita
Short situational quiz on using polite expressions (short comic strips)