Thursday, January 31, 2019

More Pang-uri worksheets

I will consolidate these worksheets one day but for now, this new batch stays here.

Fil 1 - Pang-uri
5-item exercise on identifying the adjective in the sentence. plus, 10 more items on choosing the right adjective for the picture.

Fil 1 - Pang-uri 2
5-item exercise on identifying the adjective in the sentence. 10 more items on choosing the right adjective for the picture. Plus short writing practice for using the correct adjective.

Fil 1 - Pang-uri 3
Sentence writing exercise using the appropriate adjectives.


Pang-uring Panlarawan at Pang-uring Pamilang

May tatlong uri ng pang-uri ngunit sa ngayon, ang tatalakayin natin ay dalawa muna:

> Panlarawan - mga salitang panlarawan na tumutukoy sa itsura, kulay, lasa, laki, hugis, at katangian ng isang pangngalan o panghalip.

Hal. 
          Si Risa ay isang masunuring bata. - katangian

          Siya ay matangkad. - laki
         
          Ang bag ni Erica ay pula. - kulay

          Ang kahon sa kuwarto ay parisukat. - hugis

          Ang kape ay mapait. - lasa


> Pamilang - It ay mga salitang naglalarawan sa dami o bilang ng isang tao, bagay, hayop, o lugar.

Hal.
     
          Dalawa ang kaibigan ko.


          Marami ang aking mga lapis.




Lesson Level: Grade 1-2


Worksheets:
Fil 1 - Uri ng Pang-uri
10-item quiz on identifying the type of adjective used in the sentence. 6 more items for filling in the right adjective based on the given type.

Wednesday, January 30, 2019

Teacher Abi Says # 2

Whether you're working or studying, taking a break from time to time is something that can help your productivity. Going hard all the time can deplete your energy completely. It would take you longer to recuperate when you are already at zero.

Taking short breaks after studying for 2 or more hours straight can also help your brain process better what you have been reading or listening to.

But, don't use this as an excuse to slack off. Don't start taking breaks fifteen minutes after you've started doing something. 



Tuesday, January 29, 2019

Ang Alamat ng Ilang-Ilang Modyul

Have you ever smelled the fragrant scent of Ilang-Ilang? Doesn't it evoke a feeling of love and loss? Here is a short story about the legend of how the tree and its fragrant flowers came to be.


        Si Ilang ang pinakamagandang dalaga noon sa bayan ng Tayabas. Bukod sa kariktan, sadyang hinahangaan si Ilang ng lahat dahil sa kanyang kabaitan at kababaang-loob. Maraming binata ang umakyat ng ligaw sa kanya. Lahat sila ay nais na mapangasawa ang mabait at magandang dalaga. Lahat sila ay handang bigyan ng marangyang buhay si Ilang. Ang dalaga naman ay nahulog ang loob sa isang mahirap na magsasakang nagngangalang Edo.

        Nang malaman ng kanyang mga magulang kung sino ang napupusuan ni Ilang, labis na nagalit ang kanyang ama at ina. Pinagbawalan nila ang dalagang makipagkita kay Edo. Inutusan rin si Ilang ng kanyang ama na pumili lamang ng mapapangasawa mula sa mga manliligaw nitong mayayaman.
        Ilang linggong nalungkot ang dalaga. Nag-isip siya ng paraan upang makitang muli ang kanyang katipan. Isinulat niya ang kanyang naisip na paraan sa isang maliit na papel. Ipinaabot niya ang papel sa kanyang matalik na kaibigan. Ayon sa plano ng dalaga, sila daw ay magkikita ni Edo sa tuwing iigib ng tubig ang dalaga mula sa isang bukal na matataggpuan sa gilid ng gubat. Mula noon ay pasikretong nagtatagpo ang magkasintahan sa may bukal sa tuwing inuutusan ang dalagang mag-igib ng tubig. Ipinangako nilang silang dalawa ay magmamahalan kahit na ano pa ang mangyari.

        Sa bahay, nananatiling tahimik si Ilang sa tuwing pag-uusapan nila ang kanyang mayayamang manliligaw. Pinipilit pa rin siya ng kanyang ama na pumili na ng isa sa kanila. Dahil sa pananahimik ng dalaga, naghinala ang kanyang ama na ito ay umiibig pa rin sa magsasakang si Edo. Isang araw, nang si Ilang ay umalis upang mag-igib ng tubig, sinundan siya ng kanyang ama papunta sa bukal. Nakita ng matandang lalaki si Edo na nag-hihintay sa tabi ng bukal. Sa sobrang galit ng ama sa panlilinlang na ginawa ng kaniyang anak ay kinaladkad nito pauwi ang kawawang si Ilang.

        Hindi na muling nakapag-kita ang magkasintahan. Pinagbawalan na si Ilang ng kanyang mga magulang na lumabas ng kanilang bahay. Lungkot na lungkot ang dalaga. Simula noon ay hindi na kumain si Ilang. Mas gusto na niyang mamatay kaysa mapilitan siyang magpakasal sa isang manliligaw na hindi naman niya minamahal.

        Isang araw ay nagkasakit si Ilang. Pagal na pagal na ang kaniyang katawan at alam niyang siya ay mamamatay na. Bago siya pumanaw, nagmakaawa siya sa kanyang mga magulang na siya ay ilibing malapit sa bukal kung saan niya kinakatagpo si Edo. Matapos ang ilang araw ay namatay na nga si Ilang. Pinaunlakan naman ng kanyang mga magulang ang kanyang huling kahilingan. Inilibang si Ilang sa tabi ng bukal.

        Palaging dinadalaw ni Edo ang puntod ni Ilang. Pinili nitong hindi na mag-asawa. Araw-araw ay nagpupunta siya sa puntod ng kanyang yumaong kasintahan at inaalis niya ang mga damong tumutubo doon. Isang araw ay may napansin siyang kakaibang halaman na umuusbong mula sa lupa. Naniwala siyang ispirito ni Ilang ang bumuhay sa halaman na iyon. Mula noon ay hindi na umuwi si Edo sa kanyang tirahan. Ibinuhos niya ang kanyang oras sa pag-aalaga sa halaman hanggang sa ito ay maging isang mataas na puno.


        Isang araw, nagising ang mga taong may naaamoy na kung anong mahalimuyak. Hinanap ng mga tao ang pinagmumulan ng mabangong amoy. Natuklasan nila na ito ay nanggagaling sa tila mga dahong bulaklak mula sa puno sa puntod ni Ilang. Natagpuan din nila si Edo na nag-aagaw buhay na habang nakayakap sa puno. Bumubulong ito ng, “Ilang... Ilang... Ilang.” Matapos ang ilang minuto ay pumanaw na si Edo. Ang puno ay pinangalanan ng mga taong, “Ilang-Ilang” dahil ito ang naging mga huling salita ni Edo.


Download the module here. to answer the vocabulary and comprehension questions.

Teacher Abi Says #1

When you are trying to learn something new, whether it's playing an instrument or a new topic in class, it is crucial that you make it super convenient to access the things that you need for it.



According to "happiness researcher" Shawn Achor, adding 20 seconds of "activation effort" to anything can kill a person's motivation. 

Activation effort refers to the energy that you expend to get started on doing something. If you find it even a little bit more difficult to do one task, you are more likely to give up on it. 

So if you reduce the time it takes for you to do something new by 20 seconds, you are more likely to do it. His example was, if you want to learn how to play the ukulele, it might help if you place the instrument near the sofa rather than inside a cabinet.

If your resolution for this year is to do your homework more often, it might be helpful if you dump your books and notebooks on your study table as soon as you get home. Since the books are already out, should you decide to take a crack at that Physics homework, it is easier for you to reach them.


Saturday, January 26, 2019

New Pang-uri worksheet

2019 has been rough on us, health-wise. We have been battling with cough and the flu for a while now. That's why I haven't been able to make new materials. 

Here's one though. 
Fil 1 - Pang-uri - You have to choose the correct adjective to describe the object in each picture. 

Sunday, January 6, 2019

Ang Mahiwagang Manok ni Mang Kulas - Modyul

Here is a story of a poor farmer who was given a chance to have a better life. Was he able to make the most of it? Find out in the story.



        Si Mang Kulas ay isang mabuti at masipag na magsasaka. Siya ay may asawa’t apat na anak at ang tanging pangarap niya sa buhay ay maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Araw-araw ay sinisikap niyang magtrabaho nang mabuti upang dumami ang kaniyang ani. Ngunit kahit na anung pagsisikap niya ay hindi niya talaga kinakayang kumita nang malaki. Lingid sa kanyang kaalaman ay magbabago na ang kaniyang kapalaran.

        Isang araw habang papunta sa bukid si Mang Kulas ay may nadaanan siyang matandang babae. “Anak, baka puwedeng bilhin mo na lang ang manok kong ito para naman makauwi na ako. Napakaalayo pa kasi ang palengke at pagod na pagod na ako,” ang nagmamakaawang sabi ng matanda.

        “Naku, Lola, maliit na halaga lang po ang dala ko ngayon. Sa inyo na lamang po ito. Iuwi n’yo na lang po ‘yang manok n’yong yan upang makapagpahinga na kayo,” ang tugon naman ni Mang Kulas habang iniaabot ang pera sa matanda.

        “Salamat, Anak. Napakabuti mo. Sa iyo na ang manok na ito,” mangiyak-ngiyak na nasabi ng matanda at ibinaba niya ang manok sa paanan ng magsasaka.

        Dinampot ni Mang Kulas ang manok. Laking gulat niya nang bigla na lang naglaho ang matandang babae. Naiwan lamang ang manok na kanyang tangan.

        Iniuwi na lamang ni Mang Kulas ang manok. Naisipan niya itong katayin upang makahigop naman ng mainit na sabaw ng tinola ang kanyang pamilya. Iniwan niya sandali ang manok upang kunin ang kanyang tabak ngunit nang kanya itong binalikan ay nakita niyang wari nangingitlog ito. “Aba! Nangingitlog ang manok. Tingnan mo nga naman ang suwerte. Sige, bago kita katayin ay ilabas mo muna ang itlog mong ‘yan.”

        Laking gulat ni Mang Kulas nang makita niya ang lumabas na itlog. “Nananaginip ba ako?! Brilyante ang itlog ng manok!” ang sigaw ni Mang Kulas. Tuwang-tuwa ang mahirap na magsasaka dahil alam niyang malaki ang maitutulong ng brilyanteng itlog sa kanyang pamilya.

        Nadagdagan pa ang kanyang kaligayahan nang matagpuan niya ang isa pang brilyanteng itlog isang buwan matapos lumabas ang unang itlog. Natuklasan niyang buwan-buwan pala kung mangitlog ang mahiwagang manok.

        Unti-unting bumuti ang buhay ng pamilya ni Mang Kulas. Nakabili sila ng mas malaking bahay at napuno ito ng mga makabagong kasangkapan. Nakapaglakbay rin ang kanyang mga anak sa malalayong lugar.

        Hindi naglaon ay hindi na naging sapat ang salaping napagbibilhan ng mga brilyanteng itlog. Masyado na kasing maluho ang pamumuhay ng pamilya ni Mang Kulas. Dagdag pa rito ay nalulong si Mang Kulas sa pagsusugal at iba pang bisyo.

        Isang araw ay umuwing talunan sa sugal si Mang Kulas. Gustong-gusto niya pang bumalik sa sugalan upang makabawi sa kanyang malaking pagkatalo. Para magkapera ay naisip niyang
magbenta ng brilyanteng itlog. Ngunit wala na palang natira. Nag-isip siya ng paraan upang mas mapadalas ang pangingitlog ng manok. Naisip niyang kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay baka mangitlog ito sa oras ding iyon.

        Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito ay namatay ang kawawang manok.

        Sising-sisi si Mang Kulas sa kanyang ginawa. Nang dahil sa kasakiman, ang manok ay pumanaw. Ngayon ay mas lalo pa silang naghirap dahil sa laki ng kanyang utang.



Download the module here.