Here is a story of a poor farmer who was given a chance to have a better life. Was he able to make the most of it? Find out in the story.
Si Mang Kulas ay isang mabuti at masipag
na magsasaka. Siya ay may asawa’t apat na anak at ang tanging pangarap niya sa
buhay ay maiahon sa kahirapan ang
kanyang pamilya. Araw-araw ay sinisikap niyang magtrabaho nang mabuti upang
dumami ang kaniyang ani. Ngunit kahit na anung pagsisikap niya ay hindi niya talaga kinakayang kumita nang malaki.
Lingid sa kanyang kaalaman ay magbabago na ang kaniyang kapalaran.
Isang araw habang papunta sa bukid si
Mang Kulas ay may nadaanan siyang matandang babae. “Anak, baka puwedeng bilhin mo
na lang ang manok kong ito para naman makauwi na ako. Napakaalayo pa kasi ang
palengke at pagod na pagod na ako,” ang nagmamakaawang sabi ng matanda.
“Naku, Lola, maliit na halaga lang po
ang dala ko ngayon. Sa inyo na lamang po ito. Iuwi n’yo na lang po ‘yang manok
n’yong yan upang makapagpahinga na kayo,” ang tugon naman ni Mang Kulas habang
iniaabot ang pera sa matanda.
“Salamat, Anak. Napakabuti mo. Sa iyo na
ang manok na ito,” mangiyak-ngiyak na nasabi ng matanda at ibinaba niya ang
manok sa paanan ng magsasaka.
Dinampot
ni Mang Kulas ang manok. Laking gulat niya nang bigla na lang naglaho ang matandang babae. Naiwan
lamang ang manok na kanyang tangan.
Iniuwi na lamang ni Mang Kulas ang
manok. Naisipan niya itong katayin upang makahigop
naman ng mainit na sabaw ng tinola ang kanyang pamilya. Iniwan niya sandali ang
manok upang kunin ang kanyang tabak ngunit nang kanya itong binalikan ay nakita
niyang wari nangingitlog ito. “Aba! Nangingitlog ang manok. Tingnan mo nga
naman ang suwerte. Sige, bago kita katayin ay ilabas mo muna ang itlog mong
‘yan.”
Laking gulat ni Mang Kulas nang makita
niya ang lumabas na itlog. “Nananaginip ba ako?! Brilyante ang itlog ng manok!”
ang sigaw ni Mang Kulas. Tuwang-tuwa ang mahirap na magsasaka dahil alam niyang
malaki ang maitutulong ng brilyanteng itlog sa kanyang pamilya.
Nadagdagan pa ang kanyang kaligayahan
nang matagpuan niya ang isa pang brilyanteng itlog isang buwan matapos lumabas
ang unang itlog. Natuklasan niyang buwan-buwan pala kung mangitlog ang
mahiwagang manok.
Unti-unting bumuti ang buhay ng pamilya
ni Mang Kulas. Nakabili sila ng mas malaking bahay at napuno ito ng mga
makabagong kasangkapan. Nakapaglakbay rin ang kanyang mga anak sa malalayong
lugar.
Hindi naglaon ay hindi na naging sapat ang salaping napagbibilhan ng mga brilyanteng
itlog. Masyado na kasing maluho ang
pamumuhay ng pamilya ni Mang Kulas. Dagdag pa rito ay nalulong si Mang Kulas sa
pagsusugal at iba pang bisyo.
Isang araw ay umuwing talunan sa sugal
si Mang Kulas. Gustong-gusto niya pang bumalik sa sugalan upang makabawi sa
kanyang malaking pagkatalo. Para magkapera ay naisip niyang
magbenta
ng brilyanteng itlog. Ngunit wala na palang natira. Nag-isip siya ng paraan
upang mas mapadalas ang pangingitlog ng manok. Naisip niyang kapag pinakain
niya nang pinakain ang manok ay baka mangitlog ito sa oras ding iyon.
Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain
niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito ay namatay ang kawawang manok.
Sising-sisi si Mang Kulas sa kanyang
ginawa. Nang dahil sa kasakiman, ang manok ay pumanaw. Ngayon ay mas lalo pa
silang naghirap dahil sa laki ng kanyang utang.
Download the module here.
Comments
Post a Comment