Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake. Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake. Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake. Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa direksyong paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa direksyong pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa direksyong pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...
thank you so much for all your worksheets. i am a struggling mother of three kids and this helps keep me sane when exams time like this week comes.
ReplyDeletei pray you'll have better health and blessings for your generosity.