Skip to main content

Filipino - Pagbibigay ng Pamagat

Ang pamagat (title) ng isang akda o larawan ay nagpapahayag ng diwa o paksa nito. 

Mahalagang tandaan na sa pagbibigay ng pamagat, mabuting gawin itong maikli at nakatatawag ng pansin. Ito ay kalimitang humihikayat sa mambabasa na ituloy ang pagbabasa sa akda.

Kailangang simulan sa malaking titik ang mahahalagang salita sa pamagat.

Tingnan natin ang halimbawang ito:


          Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na limandaang uri ng pating. Karamihan ng uri ng pating ay nananatili sa tubig-dagat ngunit may iilang nabubuhay sa tubig tabang. Ang pinakamaliit na pating ay may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba naman ay ang butanding. Ito ay umaabot sa haba na labindalawang metro.

Ano ang maaari nating ibigay na pamagat dito?

a. Ang Nakakatakot na Isda
b. Ang Iba't Ibang Uri ng Pating
c. Ang Pating

Para sa akdang ito, ang pinaka-angkop na pamagat ay "Ang Pating". 


Tingnan naman natin itong isang maikling kuwento:

          Sabik na sabik si Julia na pumasok sa paaralan ngayong araw na ito. Kagabi pa lamang ay inihanda na niya ang kanyang uniporme. Naka-ayos na rin ang kanyang bag at baunan. Pagtunog ng kanyang relo, mabilis na bumangon si Julia upang maligo na. Dali-dali siyang nagbihis at pumunta sa silid-kainan. "Julia, mukhang handa ka na para sa unang araw ng pasukan," ang bati ng kanyang nanay. "Opo! Sabik na po akong pumasok!" ang sagot ng bata.

Ano kaya ang magandang pamagat para sa kuwentong ito?

a. Ang Unang Araw ng Pasukan
b. Sabik nang Pumasok si Julia
c. Ang Paaralan ni Julia

Para sa akdang ito, ang pinaka-angkop na pamagat ay "Sabik nang Pumasok si Julia". 


Narito ang ilang sanayang papel na maaaring gamitin para sa pag-aaral ng pagbibigay ng pamagat:

Long quiz on choosing the appropriate title for a short passage / picture

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...