Skip to main content

Ang Tatlong Biik Modyul

This is a story about three piglets and their adventure versus the big wolf. I incuded a lot of comprehension and writing exercises to go with the translated story.

It contains a vocabulary exercise, comprehension questions, open-ended questions, sequencing events, identifying character traits, filling up a graphic organizer based on story elements, and providing an alternate ending. There is even a bonus exercise requiring creativity.

Read and download the module here:


Ang Tatlong Biik

May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang kapalaran. Napag-usapan ng mga biik na humanap ng lugar kung saan sila makapagatayo ng bahay. Sila ay naghiwahiwalay upang humanap ng maayos na lugar na maaari nilang tirahan.

         May pagkatamad ang unang biik kung kaya’t hindi siya masyadong lumayo. Siya ay nagtayo ng maliit na bahay na gawa sa dayami. Isang araw, may napadaang isang lobo at nakita nito ang biik na nakatira sa loob ng bahay na dayami. Sa isang malakas na ihip lamang ay napatumba na nito ang bahay na ginawa ng unang biik. Sa takot na makain ng lobo, ang unang biik ay nagtatakbo hanggang sa makarating ito kung nasaan ang ikalawang biik.

         Wais naman ang pangalawang biik kaya nagtayo siya ng kanyang bahay sa may di kalayuan mula sa kung saan sila naghiwahiwalay ng kanyang mga kapatid. Gumamit siya ng kahoy at pawid upang itayo ang kanyang bahay. Hindi nagtagal ay dumating na ang malaking lobo na humahabol sa unang biik. Sa isang malaking ihip ay nanginig ang bahay na gawa sa kahoy at pawid. Isang ihip pa ay napatumba na ng lobo ang bahay na ginawa ng ikalawang biik. Sa takot ng dalawang biik ay kumaripas sila hanggang sa matunton nila ang ikatlong biik.

         Ang ikatlong biik ay hindi lamang matalino. Siya ay masipag rin. Nagtayo siya ng bahay na nasa tuktok ng maliit na burol at gumamit siya ng bato upang mabuo ito. Saktong katatapos pa lamang niyang itayo ang bahay nang dumating na humahangos ang kanyang dalawang kapatid na biik.


         Hindi nagtagal ay dumating na rin ang malaking lobo. Gutom na gutom na ito at sabik na sabik nang kainin ang tatlong biik. Hinipan niya ang bahay na bato ngunit hindi man lamang ito nanginig. Hinipan niya nang paulit-ulit ang bahay ngunit hindi niya ito napatumba. Habang nagpapahinga, napatingin sa bandang bubong ng bahay ang lobo. Nakita niya ang chimineya at naisip niyang duon na lamang magdaan upang mahuli ang tatlong biik. Lingid sa kanyang kaalaman, nagsimula nang magsindi ng apoy ang tatlong biik sa ilalim ng chimineya. Nagsalang sila ng isang malaking kaldero ng tubig. Pagbaba ng lobo mula sa chimineya ay nalaglag ito sa palayok ng kumukulong tubig! Nagtatakbo paalis ang lobo at hindi na muling nagbalik. Dahil sa nangyari, natuto nang magsipag ang dalawang biik.





Comments

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngalan o panghalip, sa pangungusap o sa pinag-uukulan ng isang gawain. Narito ang halimbawa ng mgapang-ukol na karaniwan nating ginagamit: Narito ang ilang madaling pagsusulit upang hasai

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ito. Dagdag na lesson ay tungkol sa Pangunah