Skip to main content

Ang Dalawang Magkaibang Pinuno Modyul

This is a long read for the older students (Grade 6 and above, I think). I modified this story from another because the original was too sad for me. 


    Noong unang panahon, sa isang malayong pook na nagngangalang Sitio Kinabukasan, makapal na makapal ang kagubatan at ang mga hayop ay maiilap. Malayo ang pagitan ng mga bahay kaya’t madalang na may taong lumilibot dito maliban sa magkapatid na Hiraya at Amyuin. Sila ang anak ng dating tagaapamahala ng Sitio Ipo.

Maagang naulila ang dalawa dahil natabunan ng lupa ang kanilang ama at ina nang tamaan ang sitio ng isang delubyo ilang taon na ang nakalilipas. Simula nang pumanaw ang ama, si Hiraya na ang tumayong tagapangalaga ng Sitio Kinabukasan. Bagaman siya’y bata pa, sinikap ni Hirayang pamahalaan ang sitio sa paraang inaakala niyang matuwid. Nagbigay siya ng mga kautusan. Ang sinumang sumusuway sa mga kautusan ng sitio ay agad niyang pinarurusahan.

Narito ang mga kautusan ng sitio:
    Bawal manghuli ng kahit anong hayop sa gubat.
    Bawal maligo sa ilog araw-araw.
    Bawal pumitas ng kahit anong pananim sa kapatagan.
    Bawal mangisda sa lawa.
    Bawal magtayo ng bahay sa dalampasigan.
    Bawal uminom sa bukal.

Maraming tutol sa mga kautusan ni Hiraya. Kabilang na rito ang kanyang kapatid na si Amyuin. Madalas nilang pinagtatalunan ang mahigpit na pamamalakad ni Hiraya. Maraming pagkakataon na ring naging tagapagtanggol ng mga taga-Sitio Kinabukasan si Amyuin.
    Isang araw, inabutan ni Hiraya ang ilang kabataan na nangunguha ng mga bungangkahoy.

    “Walang makababali sa aking mga utos! Sino ang nagpahintulot sa inyong mamitas ng mga bungangkahoy rito? Hindi ba’t mahigpit kong ipinagbilin sa inyo na huwag babawasan ang anumang prutas at gulay rito sa kapatagan?” galit na usisa ni Hiraya.
   
    Nanginginig sa takot ang mga bata. Wala ni isa man sa kanilang makapagsalita. Dahan-dahan nilang ibinaba sa lupa ang mga prutas na pinitas.

    Inabutan ni Amyuin ang tagpong iyon. “Sandali!” tawag nito. “Pabayaan mo na sila. Ako ang nagpahintulot sa kanilang mamitas ng makakain sa pook na ito. Hinog na hinog na ang mga bunga ng balimbing, mabolo, at abokado. Nangangalaglag na nga ang mga ito sa lupa, tinutuka lang ng mga ibon. Hayaan mong ang mga batang ito naman ang makinabang sa mga prutas,” pagsusumamo ni Amyuin sa kapatid.

    “Wala ka sa katwiran, Amyuin! Higit na mapapanatag ang aking kalooban kung ang mga agila at kilyawan ang manginginain nito kaysa sa mga paslit na walang alam kundi magtawanan at maghabulan!” bulalas ni Hiraya.

    “Malupit ka, Hiraya!” hagulgol ni Amyuin.

    “Kailangan bang laging mahabag? Tingnan mo ang sinapit ng ating mga magulang. Inabuso ng mga tao ang kanilang kabaitan. Naubos ang mga yaman ng Sitio Kinabukasan. Halos nakalbo na ang kagubatan kaya’t walang sumipsip ng tubig noong lumakas ang ulan. Sila ang may kasalanan kung bakit natabunan ng lupa ang ating mga magulang. Kung naging mas mahigpit lang si Ama, hindi magkakaroong ng pagguho ng lupa,” ang mahabang paliwanag ni Hiraya.

    “Oo nga’t nagbalik na ang mga puno’t halaman. Pati ang mga hayop ay bumalik na rin sa kanilang mga tahanan. Ngunit ang mga tao rito ay pinaghaharian ng takot,” malungkot na tugon ni Amyuin.

    “Wala akong pakialam kung sila ay natatakot basta sumunod sila sa mga kautusan,” ang sagot ni Hiraya sabay talikod sa kapatid.

    Pagkatapos ng kanilang pagtatalo, mabilis na nilisan ni Amyuin ang Sitio Kinabukasan. Tinunton niya si Engkantada Mayumi, ang mabait na engkantada ng kagubatan. Humingi ng tulong sa engkantada ang malungkot na dalaga.

    “Naiintindihan ko ang iyon problema ngunit naiintindihan ko rin kung bakit puno ng poot ang puso ni Hiraya. Alam kong may pag-asa pang magbago ang kaniyang isip ngunit maaaring hindi pa ito ang tamang panahon para magbago ang kaniyang isip,” ang marahang sambit ni Engkantada Mayumi.

    “Pumaroon ka, Amyuin, sa dakong timog-kanluran. Pamunuan mo ang pook na aking ipagkakaloob,” utos ng engkantada.

    Mabilis na tinungo ni Amyuin ang lugar na tinuring ni Engkantada Mayumi. Tinawag niyang Sitio Bagong Silang ang lugar. Inalagaan ni Amihan ang mga puno at hayop sa kanyang lugar na nasasakupan. Hindi nagtagal ay nagsimula nang dumating ang ilang tao at nagtayo sila ng kanilang tirahan sa Sitio Bagong Silang.

    Habang padami nang padami ang naninirahan sa sitio, napansin ni Amyuin na nagsisimula namang makalbo ang ilang bahagi ng kagubatan. Dumudumi na rin ang tubig sa mga lawa at ilog. Kumonti na rin ang mga nahuhuling isda rito. Habang dumadami kasi ang mga tao ay lalo ring dumadami ang pangangailangan para sa lupang titirahan, pagkain, at kagamitan. Naalala ni Amyuin ang mga kautusan ni Hiraya. Naisip niyang gayahin ang kanyang kapatid kaya’t pinulong niya ang mga naninirahan sa kanyang sitio.

    “Mga kaibigan, nagagalak akong makita kayong lahat. Pinulong ko kayo dahil may mga napapansin ako sa ating sitio na nakababahala sa akin. Mukhang napakabilis nating nauubos ang yaman ng ating kalupaan ngunit hindi naman ito napapalitan. Mukhang kailangan na nating magkaroon ng ilang kautusan upang maprotektahan ang ating Sitio Bagong Silang,” ang pahayag ng dalaga.

    “Kautusan? Kaya nga kami umalis sa Sitio Kinabukasan eh. Masyadong mahigpit ang mga kautusan ni Hiraya at mabilis pang magparusa,” ang tutol ng ilang bagong dating.

    “Ang aking mga kautusan ay hindi masyadong mahigpit. Ang mga ito ay para lamang maprotektahan kayo at ang ating mga yaman laban sa pagkaubos,” ang paliwanag ni Amyuin.

    “Halimbawa, kung ikaw ay puputol ng isang puno, kailangan mong magtanim ng apat na punong kapalit nito. Nang sa gayon ay hindi makalbo ang ating kagubatan. Kung kayo naman ay mangingisda, ipagbabawal ang paghuli sa mga maliit pang isda upang sila ay magkaroon ng pag-asang lumaki at magparami,” ang dagdag na paliwanag pa nito.

Naunawaan naman ng mga tao ang nais na mangyari ni Amyuin. Makatwiran kasi at mabuting naipaliwanag ng dalaga ang mga kautusan. Naging disiplinado ang mga tao at minahal nila ang namumuno sa Sitio Bagong Silang.

Isang araw, may isang lalaking dumating sa sitio. Nabalitaan kasi niyang may isang matalinong dalaga na namumuno dito. Nais niyang matuto kung paano mamuno sa isang lugar nang hindi kinatatakutan ng mga taong nakatira rito.

Agad na nakilala ni Amihan ang bagong salta. “Hiraya! Kay tagal kitang hindi nakita,” ang paiyak na sigaw ng dalaga habang tumatakbo palapit sa kapatid.

“Nabalitaan kong napakagaling daw ng pinuno ng sitiong ito. Bukod sa masagana ang kapaligiran ay mahal na mahal din siya ng kanyang mga nasasakupan. Ikaw pala ang pinunong iyon. Nais kong matuto mula sa iyo, aking kapatid,” ang buong pagkukumbabang wika ni Hiraya.

Nanirahan ng panandalian ang binata sa Sitio Bagong Silang. Dito ay natutunan niya ang mga makatarungang kautusan na ipinatutupad ni Amyuin. Di naglaon ay bumalik na si Hiraya sa Sitio Kinabukasan upang ipatupad ang mga bagong kautusan. Matapos ang ilang buwan, naging masaya at masagana na rin ang Sitio Kinabukasan tulad ng Sitio Bagong Silang. Ang mga nasasakupan ni Hiraya ay hindi na rin natatakot sa kanya. Sa halip ay mahal na nila at iginagalang ang kanilang dating malupit na pinuno.



 Download the module here.

Comments

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngalan o panghalip, sa pangungusap o sa pinag-uukulan ng isang gawain. Narito ang halimbawa ng mgapang-ukol na karaniwan nating ginagamit: Narito ang ilang madaling pagsusulit upang hasai

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ito. Dagdag na lesson ay tungkol sa Pangunah