Skip to main content

Saan Nagmula ang Ulan? - Module

I personally hate the rain. Well, I love that it helps the farmers water their plants and that it's free water for many. BUT, I hate getting wet. I hate the damp feeling that it brings. 

It rained a little the other day so it made me think of an origin story for it. Here is a legend of how the rain came to be.



Noong panahong kalilikha pa lamang ng mundo, may isang higanteng nakatira sa loob ng isang madilim na kuweba. Ang pangalan ng higante ay Wulan. Si Wulan ay sadyang nakatatakot dahil sa kaniyang angking laki at tapang. Lahat ng taong naninirahan malapit sa kuweba ay takot na takot sa kaniya.  . 
   
Sa panahong iyon, ang tubig na ginagamit ng mga tao sa pagdidilig at paghuhugas ay nanggagaling sa dagat. Pati na ang kanilang iniinom ay sa dagat rin nila kinukuha. Dahil maalat ang tubig, hindi nagugustuhan ng mga tao ang lasa nito.


Isang araw, habang ang mga lalaki ay nangangaso, nakatuklas sila ng isang bukal ng tubig malapit sa kuweba ni Wulan. Sinubukan nilang inumin ang tubig na bumubulwak mula sa lupa. Napakasarap ng tubig! Napakalamig pa! Natuwa ang mga mangangaso. Naghiyawan sila sa galak. Dahil sa ingay ay nagising si Wulan at tumakbo ito patungo sa pinagmumulan ng hiyawan.


“Lumilindol!” ang sigaw ng mga lalaki. “Hindi, si Wulan ang nagpapayanig sa lupa. Hayun siya’t tumatakbo papalapit dito,” ang sagot naman ng isa.

Kumubli tayo at baka tayo ay kanyang makita. Siguradong magagalit iyon dahil nagising natin siya ng ating ingay!” sabi ng kanilang pinuno. Mabilis na nagsipagtago ang mga lalaki, kaya wala nang naabutan si Wulan. Ito ay nayayamot na bumalik sa kaniyang kuweba.


Dahil sa napakasarap ng tubig na nagmula sa bukal, nagbalak ang mga taong bumalik dito upang sumalok ng maiinom.


“Tayo ay sasalok lamang ng tubig tuwing hatinggabi, habang natutulog si Wulan. Bawal ang maingay dahil lahat tayo ay siguradong mapapahamak kapag siya ay ating nagising,” ang sabi ng kanilang pinuno.

Isang hatinggabi, habang napakaraming tao ang nakapila upang sumalok ng tubig sa bukal, hindi sinasadya ng isang babae na maihulog ang kanyang dalang timba. Ito ay tumama sa isang malaking bato at lumikha ng napakalakas na ingay.

Si Wulan ay tumakbo palabas ng kuweba. Dala niya ang isang napakalaking lambat. “Napaka-ingay!” ang galit na sigaw nito. Inihagis niya ang lambat at nakahuli siya ng daan-daang tao. Ibinilanggo niya ang mga taong kaniyang nahuli sa mga ulap.

“Mula ngayon ay diyan na kayo maninirahan. Iyan ang parusa niyo sa paggising ninyo sa akin” ang dumadagundong na wika ng higante.

Marami sa mga nabihag ni Wulan ay dala pa ang kanilang timbang puno ng tubig mula sa bukal. Ibinaba nila ang mga ito sa ulap. Tuwing sumisigaw si Wulan ay nayayanig ang mga ulap at nanginginig ang mga timba. Tumatapon ng bahagya ang tubig na laman ng mga ito. Ang malamig at masarap na tubig ay bumubuhos mula sa mga ulap papunta sa lupa. Ang tubig ay tinawag ng mga tao na “wulan”. Di naglaon ay nakilala ito bilang ulan.
 
 
 

You can download the PDF copy of this module here.

  


Comments

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...