Narito ang isang napakadaling pagsusulit sa pagpili ng angkop na pang-ukol.
Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit. Ang Sabi ng PAGASA Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl: Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert: Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo dito sa Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl: Pero ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga niya ang baon para sa atin . Albert: Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl: Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa balita. Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...
Comments
Post a Comment