Ang pangungusap ay grupo o pangkat ng mga salita na may buong diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas (. ? !)
Hal. Sina Meryl at Jenny at mahilig magbasa ng libro.
Bumili si Gerald ng regalo para sa kanyang nanay noong Linggo.
Ang parirala naman ay grupo ng mga salita na hindi buo ang diwa.
Hal. Sina Meryl at Jenny
noong Linggo
ng regalo para sa kanyang nanay
Subukan mo ngang Sagutin: Alamin kung ang pangkat ng mga salita ay pangungusap o parirala. Ang mga halimbawa ay sadyang nakasulat gamit ang maliit na titik at walang bantas.
1. puting medyas na nasa ilalim ng kama
2. mabilis tumakbo si Luisito
3. tahimik na nakikinig
4. inayos ni Amy ang mga libro
5. nanonood ng programa sa telebisyon si Hannah
Sagot:
1. parirala
2. pangungusap
3. parirala
4. pangungusap
5. pangungusap
Narito ang ilan pang pagsusulit na maaaring gamitin upang subukin ang kaalaman ukol sa pagkilala ng parirala at pangungusap:
Parirala 1 - Download the PDF copy here.
Parirala 2 - Download the PDF copy here.Parirala 1 - Download the PDF copy here.
Parirala 4 - Download the PDF copy here.
Maaari mo ring sagutin ang online quiz na ito:
Comments
Post a Comment