Wednesday, November 25, 2015

Math - Probability (Elementary Level)

Probability is the likelihood or the chance of an event happening. We use probability any time we want to know how likely something is to happen.


Probability can be expressed in 5 ways:

Equally Likely - we say this when there are equal chances for the events to happen.
          Ex. Suppose there are 4 pens in your case, 2 blue pens and 2 black pens. The chance of picking out a black pen is 2 out of 4. The same is true for the blue pen.

                                                           black pen = 2    blue pen = 2
                                      It is equally likely to get a black pen or a blue pen.

Likely - we say this when there is a higher chance for that event to happen.
          Ex. Suppose there are 5 pens in your case, 2 blue pens and 3 black pens. The chance of picking out a black pen is 3 out of 5. The chance for picking out a blue pen is 2 out of 5. Getting a black pen has a higher chance of happening.

                                                           black pen = 3    blue pen = 2
                                                One is likely to get a black pen than a blue pen.


Unlikely - we say this when there is a lower chance for that event to happen.
          Ex. Using the situation above, we see that the chance of getting a blue pen this time is lower.

                                                           black pen = 3    blue pen = 2
                                                          It is unlikely to get a blue pen.


Certain - we say this when there is a 100% chance of an event happening.

          Ex. Suppose you have 5 black pens in your case. What is the chance of picking out a black pen? It is certain.


Impossible - we say this when there is zero chance of an event happening.
          Ex. Using the situation above, what is the chance of picking out a blue pen? Since there are no blue pens here, there is zero chance of that happening. It is impossible.


Here are practice quizzes to learn more about probability:

Math 2 - Probability (Practice)
Here is a short practice on how to determine the probability of an event happening

Monday, November 23, 2015

Araling Panlipunan - Uri ng Likas na Yaman

Ang likas na yaman ay anumang bagay na nagmumula sa kapaligiran na mahalaga at ginagamit ng mga tao. Sinasabing ang likas na yaman ay regalo ng kalikasan. 

Mahalaga ito sa kabuhayan ng isang komunidad. Dito natin kinukuha ang ating mga pangangailangan. Sa likas na yaman din nagmumula ang mga hilaw na materyales (raw material) na kailangan sa paggawa ng iba't ibang produkto.

Ang mga likas na yaman ay maaaring uriin sa apat na grupo:

Yamang Lupa
          Ang mga yamang lupa ay mga bagay na nagmumula sa mga kapatagan, talampas, lambak, at iba pang anyong lupa. Halimbawa nito ang mga gulay at prutas na tumutubo sa lupa. Kasama rin sa yamang lupa ang mga hayop tulad ng kalabaw, kambing, aso, at manok.

Yamang Tubig
          Nakukuha ang yamang tubig sa dagat, ilog, at iba pang mga anyong tubig. Kasama sa yamang tubig ang isda, hipon, alimango, talaba, at iba pa. Nakukuha rin sa katubigan ang mga perlas, korales, kabibe, at damong dagat. 

Yamang Gubat
          Ang acacia, ipil-ipil, kamagong, mahogany, at narra ay mga halimbawa ng yamang gubat. Makukuha sa mga puno ang troso at tabla para sa paggawa ng mga bahay, mesa, silya, at iba pang kasangkapan. Nakukuha rin sa kagubatan ang mga halaman na pinagkukunan ng materyales tulad ng bulak, at anahaw. Matagpuan din dito ang mga hayop tulad ng tarsier, haribon, at tamaraw. 

Yamang Mineral
          Sa mga kabundukan nakukuha ang mga yamang mineral. Kailangan itong hukayin o minahin mula sa ilalim ng lupa. Ginto, tanso, pilak, bakal, bato, marmol at lupa ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga yamang mineral. Kasali din sa uring ito ang langis na ginagamit natin upang magpatakbo ng mga makinarya.


Narito ang mga sanayang papel para sa Uri ng Likas na Yaman:

AP 2 - Uri ng Likas na Yaman
Maikling pagsusulit sa pagkilala kung ang isang likas na yaman ay yamang lupa, tubig, gubat, o mineral





Monday, November 16, 2015

Filipino - Sanhi at Bunga

Sa mga sitwasyong magkatambal, kalimitan na isa ay sanhi at ang isa ay bunga. Ang sanhi ay tumutukoy sa dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari. Ito ay ang nauna sa dalawang kaganapan. Ang bunga naman ay ang naging resulta o epekto ng naunang pangyayari.

Halimbawa:


Si Rommel ay kumain ng kumain ng kendi kaya sumakit ang kanyang ngipin.

Sanhi: Siya ay kumain ng kumain ng kendi.
Bunga: Sumakit ang kanyang ngipin.




Nagdala si Haidee ng payong dahil madilim at maulap ang langit.

Sanhi: Madilim at maulap ang langit.
Bunga: Nagdala si Haidee ng payong.


Narito ang ilang sanayang papel na magagamit sa pagsasanay ng pagtukoy at pagbibigay ng maaaring sanhi at bunga:

Filipino 2 - Sanhi at Bunga 
Pagbibigay ng sanhi ayon sa binasang maikling kuwento

Filipino 4 - Sanhi at Bunga 
10 item quiz on identifying the cause (sanhi) or effect (bunga) in a sentence.

Filipino 4 - Sanhi at Bunga 2
Another 10 item quiz on identifying the cause or effect in a sentence.

Filipino 4 - Sanhi at Bunga 3
This is a matching type quiz for cause and effect.

Filipino 4 - Sanchi at Bunga 4
Here is a 10-item exercise where you identify which part is the cause and which part is the effect.

Sunday, November 15, 2015

Filipino - Panghalip Paari

Ang mga Panghalip paari ay ginagamit upang panghalili sa mga pangngalan o panghalip panao. Ang mga ito ay nagpapakita ng pagmamayari (ownership).

Halimbawa:

Ang asul na bag ay kay Karina.
Ang asul na bag ay kanya.

Narito ang listahan ng mga Panghalip Paari at ang kanilang Panauhan:
   

Unang Panauhan
tumutukoy sa taong nagsasalita
Ikalawang Panauhan – tumutukoy sa taong kinakausap
Ikatlong Panauhan
tumutukoy sa taong pinag-uusapan
akin (mine)
iyo (yours)
kanya (his/hers)
atin (ours)
inyo (yours)
kanila (theirs)
amin (ours)




Narito ang mga sanayang papel na maaaring gamitin sa pagsasanay ng paggamit at pagkilala sa panghalip paari:

Filipino 3 - Panghalip Paari
Maikling sanayan sa pagkilala at pagtukoy sa panauhan ng panghalip paari

Filipino 3 - Panghalip Paari
Isa pang maikling sanayan sa pagkilala at pagtukoy sa panauhan ng panghalip paari

Tuesday, November 10, 2015

Filipino - Salitang Magkasalungat

Ang mga salitang magkasalungat ay mga salitang may magka baligtad na kahulugan (antonyms).

Halimbawa:
madilim (dark) - maliwanag (bright)
mataas (high) - mababa (low)
mayaman (rich) - mahirap (poor)
mainit (hot) - malamig (cold)
mabango (has a pleasant smell) - mabaho (has a bad smell)
magulo (disorderly) - tahimik (orderly)

Narito ang mga sanayang papel na magagamit sa pag-aaral ng mga salitang magkasalungat:

Filipino 1 - Salitang Magkasalungat
Short quiz on identifying antonyms 

Filipino 1 - Salitang Magkasalungat
Short quiz on identifying the antonyms of given words

Filipino - Pang-uri

Ang Pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan (tao, hayop, lugar, bagay, pangyayari, kaisipan) o panghalip.

Ito ay karaniwang nagsasabi ng bilang, katangian, kulay, hugis, o laki.

Halimbawa:

Ang mga mag-aaral ay magalang. (Ano ang katangian ng mga mag-aaral? magalang)
Ang pulang bola ay nasa loob ng kahon. (Anong kulay ng bola? pula)
Ang mataas na puno ay pinutol ng mga mangangahoy. (Ano ang laki ng puno? mataas)
Ang apat na bata ay naglalaro ng habulan. (Ilan ang mga bata? apat)

Narito ang ilang mga sanayang papel sa pagkilala at pag-gamit ng mga pang-uri:

Filipino 1 - Pang-uri (Quiz)
Short quiz in identifying and using adjectives (pang-uri)

Filipino 1 - Pang-uri - Easy
This is a 10-item super easy exercise on recognizing and using the correct adjectives to describe.

Filipino 1 - Pang-uri - Easy 
Another set of 10 super easy recognizing and using appropriate adjectives for given pictures.

Filipino 1 - Pang-uri - Moderate
First 5 items is assigning the right adjective to the picture. Next 5 involves providing an appropriate adjective to complete the sentence (no more choices).

Filipino 2 - Pang-uri - Moderate
A 12-item story based exercise on providing the correct adjectives to complete each sentence. Choices available.

Filipino 2 - Pang-uri - No choices available
A 10-item stody based exercise on providing appropriate adjectives. 

Filipino 2 - Pang-uri (Quiz)
Short quiz on identifying adjectives (pang-uri) in the sentences and identifying the word being described

Filipino 4 - Pang-uri 
This is an 8-item worksheet on providing an appropriate adjective (pang-uri) based on the given picture.

Sunday, November 1, 2015

Language - Demonstrative Pronouns

Demonstrative pronouns are used to point out a definite person, place, or thing.

This refers to a singular (one) person, place, or thing that is near the speaker.

 The balloon is blue. 
 This is blue.









That refers to a singular person, place, or thing that is far from the speaker.

The moon is big and round.
That is big and round.






These refer to plural (more than one) persons, places, or things that are near the speaker.




The pencils are colorful.
These are colorful.










Those refer to plural persons, places, or things that are far from the speaker.

The birds are flying.
Those are flying.




Here are some worksheets that you can use to practice using demonstrative pronouns.

Here is a write-your-own sentence type of quiz for using this, that, these, and those as pronouns

This is an easy quiz on using this, that, these, and those as pronouns