Skip to main content

Filipino - Pang-uri

Ang Pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan (tao, hayop, lugar, bagay, pangyayari, kaisipan) o panghalip.

Ito ay karaniwang nagsasabi ng bilang, katangian, kulay, hugis, o laki.

Halimbawa:

Ang mga mag-aaral ay magalang. (Ano ang katangian ng mga mag-aaral? magalang)
Ang pulang bola ay nasa loob ng kahon. (Anong kulay ng bola? pula)
Ang mataas na puno ay pinutol ng mga mangangahoy. (Ano ang laki ng puno? mataas)
Ang apat na bata ay naglalaro ng habulan. (Ilan ang mga bata? apat)

Narito ang ilang mga sanayang papel sa pagkilala at pag-gamit ng mga pang-uri:

Filipino 1 - Pang-uri (Quiz)
Short quiz in identifying and using adjectives (pang-uri)

Filipino 1 - Pang-uri - Easy
This is a 10-item super easy exercise on recognizing and using the correct adjectives to describe.

Filipino 1 - Pang-uri - Easy 
Another set of 10 super easy recognizing and using appropriate adjectives for given pictures.

Filipino 1 - Pang-uri - Moderate
First 5 items is assigning the right adjective to the picture. Next 5 involves providing an appropriate adjective to complete the sentence (no more choices).

Filipino 2 - Pang-uri - Moderate
A 12-item story based exercise on providing the correct adjectives to complete each sentence. Choices available.

Filipino 2 - Pang-uri - No choices available
A 10-item stody based exercise on providing appropriate adjectives. 

Filipino 2 - Pang-uri (Quiz)
Short quiz on identifying adjectives (pang-uri) in the sentences and identifying the word being described

Filipino 4 - Pang-uri 
This is an 8-item worksheet on providing an appropriate adjective (pang-uri) based on the given picture.

Comments

  1. Maraming salamat po sa mga worksheets na ito. Malakong yulong oo ito sa aking pagtuturo.God bless.

    ReplyDelete
  2. Itinuturo napo ba ito sa grade 2?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo. Grade 1 po sinisimulan nang ituro ang pang-uri.

      Delete
    2. teacher abi bakit ganyan hindi magets tuloy ng ank ko napaka talga eh

      Delete
  3. Love you worksheets.. helpful talaga ito sa demo ko😊 slmat teacher abi

    ReplyDelete
  4. May prob po ata sa file teacher. sana din po mas madaming worksheets. thankyou po

    ReplyDelete
  5. thank you so much teacher for all the worksheets. Really a big help for me :)

    ReplyDelete
  6. Thank you teacher Abi! Nagamit ko po yung sa pang-uri. God bless!


    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...