Skip to main content

Araling Panlipunan - Uri ng Likas na Yaman

Ang likas na yaman ay anumang bagay na nagmumula sa kapaligiran na mahalaga at ginagamit ng mga tao. Sinasabing ang likas na yaman ay regalo ng kalikasan. 

Mahalaga ito sa kabuhayan ng isang komunidad. Dito natin kinukuha ang ating mga pangangailangan. Sa likas na yaman din nagmumula ang mga hilaw na materyales (raw material) na kailangan sa paggawa ng iba't ibang produkto.

Ang mga likas na yaman ay maaaring uriin sa apat na grupo:

Yamang Lupa
          Ang mga yamang lupa ay mga bagay na nagmumula sa mga kapatagan, talampas, lambak, at iba pang anyong lupa. Halimbawa nito ang mga gulay at prutas na tumutubo sa lupa. Kasama rin sa yamang lupa ang mga hayop tulad ng kalabaw, kambing, aso, at manok.

Yamang Tubig
          Nakukuha ang yamang tubig sa dagat, ilog, at iba pang mga anyong tubig. Kasama sa yamang tubig ang isda, hipon, alimango, talaba, at iba pa. Nakukuha rin sa katubigan ang mga perlas, korales, kabibe, at damong dagat. 

Yamang Gubat
          Ang acacia, ipil-ipil, kamagong, mahogany, at narra ay mga halimbawa ng yamang gubat. Makukuha sa mga puno ang troso at tabla para sa paggawa ng mga bahay, mesa, silya, at iba pang kasangkapan. Nakukuha rin sa kagubatan ang mga halaman na pinagkukunan ng materyales tulad ng bulak, at anahaw. Matagpuan din dito ang mga hayop tulad ng tarsier, haribon, at tamaraw. 

Yamang Mineral
          Sa mga kabundukan nakukuha ang mga yamang mineral. Kailangan itong hukayin o minahin mula sa ilalim ng lupa. Ginto, tanso, pilak, bakal, bato, marmol at lupa ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga yamang mineral. Kasali din sa uring ito ang langis na ginagamit natin upang magpatakbo ng mga makinarya.


Narito ang mga sanayang papel para sa Uri ng Likas na Yaman:

AP 2 - Uri ng Likas na Yaman
Maikling pagsusulit sa pagkilala kung ang isang likas na yaman ay yamang lupa, tubig, gubat, o mineral





Comments

Popular posts from this blog

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...