Skip to main content

Posts

Showing posts from 2019

Ang Hari at ang Bato sa Gitna ng Daan Modyul

Have you ever encountered an obstacle in your life? What did you do in order to get past it? Here is a story of a king who deliberately placed an obstacle on the road in order to see how people are going to deal with it. Who will remove the huge rock? Find out in this module. ANG HARI AT ANG BATO SA GITNA NG DAAN Noong unang panahon, may isang hari na palaging nag-iisip ng paraan kung paano niya mapabubuti ang kanyang kaharian. Isang araw, naisipan niyang subukin ang mga tao sa kaniyang nasasakupan. Nais niyang alamin kung ano ang gagawin ng mga tao kung sakaling sila ay may makitang isang sagabal sa kanilang daraanan. “Magpapalagay ako ng isang malaking bato sa gitna ng kalsada. Pagtapos ay magkukunwari akong isang tindero upang maobserbahan ko ang mga taong dadaan. Titingnan ko kung ano ang kanilang gagawin,” ang sabi ng hari sa kanyang sarili. Noong gabing iyon ay nagpalagay na nga ang hari ng isang malaking tipak ng bato sa gitna ng daan. Kinabukasan, dala ang k...

Pagpapantig - New Lesson

Ang bawat salita ay binubo ng mga pantig .  Ang p antig  ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.   Mahalagang matutunan ng isang mag-aaral ang pagpapantig ng mga salita dahil ito ay makatutulong sa pagpapabilis magbasa. Dadgdag pa na matutunan din nilang bumuo ng bagong salita sa pamamagitan ng pagdadagdag ng titik o pantig. Narito ang isang maikling pagsusulit. Pantigin ang mga salita sa ibaba at isulat kung ilang pantig ang bumubuo sa bawat isa: _____ 1.) tahimik _____ 2.) katutubo _____ 3.) sa _____ 4.) hindi _____ 5.) silid-aralan _____ 6.) itim _____ 7.) po _____ 8.) nararamdaman _____ 9.) dalawa _____ 10.) nagagalak Tingnan kung tama ang iyong mga sagot: 1.) 3 2.) 4 3.) 1 4.) 2 5.) 5 6.) 2 7. 1 8.) 5 9.) 3 10.) 4 Kung kailangan pa ng dagdag na ensayo, sagutin ang mga worksheets dito: (sorry, to follow)

Tore ng Babel Modyul

Have you ever wondered why there are so many different languages used all over the world? The Bible has an explanation for this.  Read the story and answer the comprehension questions afterward. There are a few writing exercises included in this module.  ANG TORE NG BABEL         Sa simula ay iisa lamang ang wika na ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig. Wala silang problema sa pagkakaintindihan dahil parepareho ang mga salitang kanilang ginagamit. Sa kanilang paglalakbay patungong silangan, may isang malaking grupo ng tao na nakarating sa isang lambak sa lupaing Sinar. Nagpasiya sila na dito na tumigil at manirahan.         Ang mga tao ay nag-usap-usap. “Halikayo! Gumawa tayo ng isang lungsod na may tore ng ang taluktok ay aabot sa langit. Tiyak na tayo ay magiging tanyag sa buong daigdig kapag ito ay nagawa natin. Tayo ay hindi na rin magkakawatak-watak kapag natapos natin ang toreng ito...

Hansel at Gretel Modyul

What would you do if you find yourself trapped inside a weird house where the owner, a witch, is fattening you up so she could eat you? Find out how Hansel and Gretel deal with this problem in this module . HANSEL AT GRETEL Noong unang panahon, may isang mahirap na magtotroso na nakatira sa isang maliit na kubo sa may kagubatan. Kasama niyang nakatira dito ang kanyang dalawang anak na sina Hansel at Gretel. Maagang nabiyudo ang magtotroso at siya ay nag-asawang muli. Ayaw ng tiyahin sa kanyang dalawang anak. Palagi nitong iminumungkahi na paalisin na ng magtotroso ang dalawang bata dahil sila ay pabigat lamang. “Wala na tayong makain! Mabuti pang ipadala mo na sa ibang tao ang dalawang batang iyan,” ang palagi nitong sinasabi kapag ito ay nagagalit. Isang araw, binuksan ng tiyahin ang kanilang taguan ng pagkain at nakita nitong halos wala nang natitirang tinapay. “Mamamatay tayong lahat sa gutom! Napakaraming bibig na kailangang pakainin. Kung wala kang kamag-anak na ...

Pagbibigay ng Hinuha

Inferring is an important comprehension skill that readers must develop. It lets you have a deeper understanding of the text that you are reading. Example: Matagal nang pangarap ni Arlene na magkaroon ng alagang aso. Ipinangako niya sa kanyang mga magulang na siya ang magpapakain, magpapaligo, at mag-aalaga dito kung siya ay papayagan nilang magkaroon ng alaga. Isang araw, kumatok ang kapitbahay nina Arlene. Ibinalita nitong nanganak na ang kanilang alagang aso. Mayroon silang anim na bagong panganak na tuta. Ang problema ay maliit lamang ang kanilang bahay kaya't baka hindi nila kayang magpalaki ng anim na aso. Sa iyong palagay, ano ang sasabihin ni Arlene sa kaniyang kapitbahay?  Sa sitwasyong ibinigay sa taas, maaaring sabihin na hihingin ni Arlene ang isa sa mga tuta ng kanilang kapitbahay. Ang pruweba nito ay ang nabanggit na pangarap ng batang babaeng magkaroon ng alagang aso. Papayag kaya ang kapitbahay na bigyan si Arlene ng tuta? Base sa teksto, malamang ay pa...

Ang Mabuting Samaritano Modyul

Have you ever encountered a person who needed assistance? Did you offer your help or did you pretend not to notice? Here is a story of a person who needed help and got assistance from an unexpected source.  Find out what happened in the story then answer the comprehension questions on the  module . ANG MABUTING SAMARITANO         May isang Hudyo na naglalakbay mula Jerusalem patungong Jerico. Isang gabi, habang siya ay nagpapahinga, siya ay tinambangan ng isang grupo ng mga tulisan . Kinuha ng mga masasamang-loob ang lahat ng kanyang dala, pati na rin ang kanyang damit na suot. Pagkatapos pagnakawan ay binugbog pa ng mga tulisan ang Hudyo at iniwan sa gilid ng daan na halos wala nang buhay.          Ilang minuto pagkatapos maiwan ang kawawang nilalang, may isang paring Hudyo na dumaan. Nakita nito ang taong nakahandusay sa lupa. Nagmamadaling lumihis ang pari na parang walang nakita. Mabili...

Quiz Time #19

Quiz Time #18

Ang Tampuhan Modyul

Have you ever had a misunderstanding with your mom? Did you ever try to run away from home? Here is a story of a boy who chose to run away because he and his mom had a fight. Find out what happened in the story then answer the comprehension questions on the module . ANG TAMPUHAN         Alas-diyes na ng gabi. Madilim at wala nang ibang taong makikita sa kalsada maliban sa isang batang naglalakad.         Tumutulo ang luha mula sa mga mata ni Ruben. Magkahalong lungkot, galit, at pagod ang nararamdaman ng bata habang mabagal na naglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi niya mapigilang mapaiyak habang naaalala niya ang away nila ng kanyang nanay ilang oras pa lang ang nakakalilipas.         Nakita kasi ni Aling Maita ang lukot na papel sa bag ni Ruben. Ito ay kanyang pagsusulit na may bagsak na marka.         “Bakit mababa ang nakuha mon...

Pangngalang Tahas at Basal

Mayroong dalawang uri ng Pangngalan ayon sa konsepto: pangngalang tahas (kongkreto) at pangngalang basal (di-kongkreto). Ang pangngalang tahas ay mas madaling kilalanin. Ito at tumutukoy sa mga ngalan ng mga tao, bagay, at lugar na iyong maaaring makita, marinig, maamoy, malasahan, o mahawakan. Hal.          bata          ibon          paaralan          Ang pangngalang basal naman ay tumutukoy sa ngalan ng mga bagay na naiisip, nadarama ng damdamin, natututuhan, napapangarap, o nauunawaan. Hal.          kapayapaan          tag-init          galit          komunikasyon Narito ang mga sanayang papel para sa uri ng pangngalan ayon sa konsepto: Pangngalang Basal o Tahas Pangngalang Basal o Tahas

Filipino Quiz # 17

Ang pangngalang basal o di-kongkreto ay ang mga ngalang  tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa:       wika          yaman          buhay          asal

Ang Matalinong Pasya Modyul

King Solomon was said to be one of the wisest kings of Israel. He was favored by God because of his humility. People from far off places came to him to seek his advice. Here is a short story based on that. MATALINONG PASYA         Nang si Solomon ay maging hari ng Israel, hiniling niya sa Diyos na siya ay tulungang maging isang mabuting hari. Dahil dito ay nalugod sa kanya ang Diyos at siya ay pinagpala nito. Biniyayaan siya ng Diyos ng katalinuhan.         Dahil sa kanyang angking katalinuhan, si Solomon ay dinadayo ng mga tao mula pa sa malalayong lugar upang pagtanungan ng solusyon sa kanilang mga problema. Sila naman ay binibigyan ni Solomon ng matatalinong kasagutan.         Isang araw, may dalawang inang nagpunta sa palasyo ni Haring Solomon. Ang isa ay galit na galit at nagsisisigaw samantalang ang isa’y walang tigil sa pag-iyak.     ...

Filipino Quiz #16

Alam mo ba kung ano ang mga salitang may kambal katinig? Tandaan, kailangang magkasama ang dalawang katinig sa iisang pantig.

Filipino - Bayaning Pilipino Modyul

Doctor Jose Rizal is hailed as the country's national hero. He was instrumental in our fight for independence back when the Philippines was a colony of Spain. This text provides information about Rizal and why he was beloved by many. BAYANING PILIPINO         “Mga bata, ngayong araw na ito ay babasahin natin ang talambuhay ni Jose Rizal. Mayroon ba kayong tanong o nais ibahagi bago tayo magsimulang magbasa?” ang tanong ni Binibining Diaz.         “Miss, totoo po bang may monumento si Dr. Jose Rizal sa China?” ang tanong ni Czarina.         “Bakit naman sila magtatayo ng monumento ni Rizal sa China eh Pilipino naman si Rizal?” ang malakas na bulong ni Gilda na kanyang katabi.         “Oo, mayroon nga siyang monumento sa China. Ito ay katulad na katulad ng monumento niya na nasa Rizal Park. Naniniwala kasi ang mga Intsik na ang mga ninu...

Filipino - Salitang Maylapi

          Ang mga salitang hindi na maaaring hatiin o paikliin pa ay tinatawag na salitang-ugat . Ilan sa mga halimbawa nito ay: isip          tawa          sulat           Ang mga salitang naihihiwalay ang salitang-ugat sa iba pang titik o pantig ay tinatawag na salitang maylapi . Ang mga halimbawa nito ay: isipin          natawa          sulatin           Panlapi ang tawag sa mga naiiwang titik o pantig kapag inihiwalay ang salitang-ugat. Ang mga panlapi ay maaaring: * Unlapi - inilalagay sa unahan ng salitang-ugat           Hal.          ma liksi          pag tulog          um ikot * Gitlapi - inilalagay sa gitna ng salitang-ugat           Hal.  ...

Bakit Kulu-kulubot ang Ampalaya Modyul

This is the legend of why the bitter gourd's skin is wrinkled. This is a story of how one bad decision can have really bad consequences. This  module  contains the story, vocabulary exercises, comprehension questions, and writing prompts. BAKIT KULU-KULUBOT ANG AMPALAYA?         Noong unang panahon, ang mga gulay ay walang kulay. Pare-pareho ang kanilang itsura . Hanggang sa isang engkantada ang nakapansin nito. Naisipan niyang mas mainam siguro kung iba-iba ang kanilang anyo.         “Gusto ba ninyong magkaroon ng kulay?” ang tanong ng mabait na engkantada.         “Opo, gusto po namin,” ang sagot naman ng mga gulay.         “Kung ganoon ay sumama kayo sa aking tirahan. Doon, ang bawat isa sa inyo ay mapagkakalooban ko ng kulay,” ang sabi ng engkantada.         Sama-samang naglakbay...