Skip to main content

Ang Mabuting Samaritano Modyul

Have you ever encountered a person who needed assistance? Did you offer your help or did you pretend not to notice? Here is a story of a person who needed help and got assistance from an unexpected source. Find out what happened in the story then answer the comprehension questions on the module.


        May isang Hudyo na naglalakbay mula Jerusalem patungong Jerico. Isang gabi, habang siya ay nagpapahinga, siya ay tinambangan ng isang grupo ng mga tulisan. Kinuha ng mga masasamang-loob ang lahat ng kanyang dala, pati na rin ang kanyang damit na suot. Pagkatapos pagnakawan ay binugbog pa ng mga tulisan ang Hudyo at iniwan sa gilid ng daan na halos wala nang buhay.
         Ilang minuto pagkatapos maiwan ang kawawang nilalang, may isang paring Hudyo na dumaan. Nakita nito ang taong nakahandusay sa lupa. Nagmamadaling lumihis ang pari na parang walang nakita. Mabilis siyang naglakad papalayo.
Hindi nagtagal ay isang Levita naman ang dumaan. Napansin din niya ang dumadaing na Hudyo. Tulad ng pari, mabilis ring lumihis nang daan ang Levita at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.
Matapos ang matagal na panahon, may napadaang isang Samaritano. Nakita niya ang kawawang Hudyo na noon ay halos hindi na umiimik sa kanyang pagkakahandusay. Dali-daling lumapit ang Samaritano at tinulungan ang lalaking makaupo. Binuhusan nito ng langis at alak ang mga sugat ng biktima. Nang malinis na ang mga sugat nito, marahang binendahan ng Samaritano ang mga sugat. Isinakay nito ang Hudyo sa kanyang asno at inihatid sa isang malapit na bahay-panuluyan. Duon ay hiningi ng Samaritano sa may-ari na pakainin at painumin ang kawawang biktima.




Kinabukasan, bago umalis ang Samaritano upang magpatuloy sa kanyang paglalakbay, binigyan niya ang may-ari ng bahay ng dalawang pirasong pilak at sinabing alagaan nito ang kawawang lalaki. Dinagdag pa nito na kung lalabis ang magagastos ng may-ari sa pag-aalaga sa lalaki ay kanya itong babayaran sa kanyang pagbabalik. Namalagi sa bahay-panuluyan ang kawawang Hudyo hanggang sa gumaling nang lahat ng kanyang sugat.

***********************************************************************************************************************


This module contains vocabulary exercises, comprehension tests, and several short writing practices.  Download the module here.

Comments

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...