Skip to main content

Pagbibigay ng Hinuha

Inferring is an important comprehension skill that readers must develop. It lets you have a deeper understanding of the text that you are reading.

Example:


Matagal nang pangarap ni Arlene na magkaroon ng alagang aso. Ipinangako niya sa kanyang mga magulang na siya ang magpapakain, magpapaligo, at mag-aalaga dito kung siya ay papayagan nilang magkaroon ng alaga. Isang araw, kumatok ang kapitbahay nina Arlene. Ibinalita nitong nanganak na ang kanilang alagang aso. Mayroon silang anim na bagong panganak na tuta. Ang problema ay maliit lamang ang kanilang bahay kaya't baka hindi nila kayang magpalaki ng anim na aso.

Sa iyong palagay, ano ang sasabihin ni Arlene sa kaniyang kapitbahay? 

Sa sitwasyong ibinigay sa taas, maaaring sabihin na hihingin ni Arlene ang isa sa mga tuta ng kanilang kapitbahay. Ang pruweba nito ay ang nabanggit na pangarap ng batang babaeng magkaroon ng alagang aso.

Papayag kaya ang kapitbahay na bigyan si Arlene ng tuta?

Base sa teksto, malamang ay papayag ang kapitbahay nina Arlene na magbigay ng tuta dahil nasabing hindi kasya ang anim na aso sa kanilang bahay. 




Here are a few exercises made to help you improve your inferring skills:

Pagbibigay ng Hinuha 1 - In this exercise, the student will be asked to read a situation and try to give inferences based on the clues provided in the text.

Pagbibigay ng Hinuha 2 - Another text, same exercise.

Comments

  1. Salamat po ng marami sa iyong mga gawa. Malaki po ang naitutulong nito sa mag-aaral ko.

    ReplyDelete
  2. Thank you po mam sa pag share ng inyong activity. God Bless po

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...