Ang mga salitang hindi na maaaring hatiin o paikliin pa ay tinatawag na salitang-ugat. Ilan sa mga halimbawa nito ay:
isip tawa sulat
Ang mga salitang naihihiwalay ang salitang-ugat sa iba pang titik o pantig ay tinatawag na salitang maylapi. Ang mga halimbawa nito ay:
isipin natawa sulatin
Panlapi ang tawag sa mga naiiwang titik o pantig kapag inihiwalay ang salitang-ugat.
Ang mga panlapi ay maaaring:
* Unlapi - inilalagay sa unahan ng salitang-ugat
Hal. maliksi pagtulog umikot
* Gitlapi - inilalagay sa gitna ng salitang-ugat
Hal. tumunog kinain sumigaw
* Hulapi - inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat
Hal. sakitin basahin turuan
Narito ang ilang sanayang papel para sa araling ito:
Ang ganda ng blog nyo! Very informative!!! Sakit.info
ReplyDelete