Skip to main content

Filipino - Bayaning Pilipino Modyul

Doctor Jose Rizal is hailed as the country's national hero. He was instrumental in our fight for independence back when the Philippines was a colony of Spain. This text provides information about Rizal and why he was beloved by many.



        “Mga bata, ngayong araw na ito ay babasahin natin ang talambuhay ni Jose Rizal. Mayroon ba kayong tanong o nais ibahagi bago tayo magsimulang magbasa?” ang tanong ni Binibining Diaz.
        “Miss, totoo po bang may monumento si Dr. Jose Rizal sa China?” ang tanong ni Czarina.
        “Bakit naman sila magtatayo ng monumento ni Rizal sa China eh Pilipino naman si Rizal?” ang malakas na bulong ni Gilda na kanyang katabi.
        “Oo, mayroon nga siyang monumento sa China. Ito ay katulad na katulad ng monumento niya na nasa Rizal Park. Naniniwala kasi ang mga Intsik na ang mga ninuno ng ating pambansang bayani ay nag-ugat sa kanilang bansa,” ang paliwanag ni Bb. Diaz.
        “May dugong Intsik si Dr Jose Rizal?” ang hindi makapaniwalang bulalas ni Gilda. Nagsimula na ring magbulungan ang mga mag-aaral sa klase. Hindi sila makapaniwala na ang itinuturing na pinakadakilang taong isinilang sa lahing Malayo ay may dugong Intsik.
        “Ang lahing kayumanggi ay isinilang na kalakip ang iba’t-ibang dugong dayuhan. Kung maaalala niyo sa ating leksiyon noong nakaraan, sabi ni Dr. Otley Beyer, may 10% ang dugong Intsik na nananalaytay sa ugat ng ating mga ninuno. Subalit sa puso at isipan, si Dr. Jose Rizal ay Pilipinong tunay,” ang pahayag ng guro.
        “Wagas ang pagmamahal niya sa mga kababayan at lalo na sa Inang Bayan,” ang dagdag pa nito.
        “Interesado na po akong malaman kung ano ang nangyari sa buhay ni Jose Rizal,” ani Czarina. Sabay sabay na binuksan ng mga mag-aaral ang kanilang libro at binasa ang talambuhay ng pambansang bayani ng Pilipinas.

          Si Dr. Jose Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Siya ang ikapitong anak nina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonso.
          Sa gulang na taltong taon, natutuhan ni Jose ang abakada mula sa kanyang ina. Sa ikasiyam na taong gulang, siya ay ipinadala sa Biñan upang doo’y mag-aral sa ilalim ng pamamahala ni G. Justiniano Aquino Cruz. Noong 1872, si Jose ay ipinasok sa Ateneo Municipal de Manila kung saan siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip. Nang matapos sa hayskul, sa Pamantasan ng Santo Tomas siya nagpatuloy ng pag-aaral ng medisina. Gusto niyang maging doctor upang gamutin ang nanlalabong mga mata ng kanyang ina.
          Nang lumaon, hiniling ni Jose sa kanyang pamilya na pahintulutan siyang makapagpatuloy ng pag-aaral sa España. Doon niya natapos ang kursong medisina.
          Nagsanay pa ng panggagamot ang katatapos na si Dr. Jose Rizal sa Pransya, Alemanya, at Austria bago siya nagbalik sa Pilipinas. Ang naging una niyang pasyente ay ang kanyang minamahal na ina. Bukod sa kanyang ina, maraming maysakit na kababayan niya sa Calamba ang kanyang napagaling.
          Naging isang tanyag na manggagamot si Dr. Jose Rizal. Ginamot niya nang walang bayad ang mahihirap na mga tao. Dahil sa kanyang pagmamalasakit sa may sakit, siya ay napamahal sa mga tao lalo na sa mahihirap.
          Isa si Dr. Jose Rizal sa mga Pilipinong gumawa ng pagkilos sa mapayapang paraan kung saan ang pakay niya ay ang pagbabago sa pamamalakad ng mga Kastila. Labis niyang ikinalungkot ang pagmamalabis at pang-aapi ng mga dayuhan sa mga kabababayan. Subalit dahil sa kanyang mga isinulat, nagalit sa kanya ang mga Kastila. Pinagbintangan siyang namumuno sa mga paghihimagsik. Siya’y nilitis at nahatulan ng parusang kamatayan.
          Habang nasa piitan, isinulat ni Jose Rizal ang Mi Ultimo Adios na isang tulang nagsasaad ng tapat na pagmamahal sa bayan at sa mga kababayan. Hanggang sa mga huling araw ng kanyang buhay, ang Pilipinas ay mga kapwa Pilipino ang laman ng kanyang puso at isipan.
          Noong ika-30 ng Disyembre, 1896, binaril si Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan.


        “Ang lungkot naman po pala ng nangyari kay Rizal,” ang wika ni Gilda.
        “Malungkot ngunit ang kanyang pagkamatay naman ay nagsilbing mitsa upang maghimagsik ang mga Pilipino laban sa  mapang-aping mga Kastila noon,” ang sagot naman ni Bb. Diaz.
          “Talaga pong isang modelong Pilipino si Dr. Jose Rizal. Matapang na, Makabayan pa,” ang dagdag naman ni Czarina.
 
***

You can download the module here. It contains vocabulary-building exercises, comprehension questions, filling up necessary information, and writing drills.

Comments

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngalan o panghalip, sa pangungusap o sa pinag-uukulan ng isang gawain. Narito ang halimbawa ng mgapang-ukol na karaniwan nating ginagamit: Narito ang ilang madaling pagsusulit upang hasai

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ito. Dagdag na lesson ay tungkol sa Pangunah