King Solomon was said to be one of the wisest kings of Israel. He was favored by God because of his humility. People from far off places came to him to seek his advice. Here is a short story based on that.
The module contains the usual vocabulary-building exercises, comprehension questions, and writing drills. Download it here.
Nang si
Solomon ay maging hari ng Israel, hiniling niya sa Diyos na siya ay
tulungang maging isang mabuting hari. Dahil dito ay nalugod sa kanya ang
Diyos at siya ay pinagpala nito. Biniyayaan siya ng Diyos ng katalinuhan.
Dahil sa
kanyang angking katalinuhan, si Solomon ay dinadayo ng mga tao mula pa sa
malalayong lugar upang pagtanungan ng solusyon sa kanilang mga problema. Sila
naman ay binibigyan ni Solomon ng matatalinong kasagutan.
Isang
araw, may dalawang inang nagpunta sa palasyo ni Haring Solomon. Ang isa ay
galit na galit at nagsisisigaw samantalang ang isa’y walang tigil sa pag-iyak.
“Mahal
na hari, kagabi’y sabay kaming nagsilang ng sanggol. Ang kanyang anak ay
pumanaw habang siya ay mahimbing na natutulog. Ngayon, inaangkin
niya ang aking sanggol,” ang sabi ng galit na babae.
Ibinaling
ng hari ang kanyang tingin sa babaeng umiiyak. “Ikaw, magsalita ka.”
“Ito
po ay aking anak, nagsasabi po ako ng katotohanan. Dama kong buhay ang aking
anak,” ang sabi ng umiiyak na babae.
Matagal
na tiningnan ng hari ang dalawang ina. Hindi naglaon ay ipinatawag ng hari ang
isa sa kanyang mga kawal.
“Hatiin
mo sa dalawang pantay na parte ang sanggol na ito nang sa gayon ay kapwa
magkaroon ng bahagi nito ang bawat inang umaangkin sa kanya,” ang utos ng
matalinong hari.
Walang
tinag sa pagkakatayo ang galit na ina samantalang ang isa’y lalong
lumakas ang pag-iyak. Tumakbo itong palapit sa hari, lumuhod, at nagmakaawa.
“Ibigay
niyo na lang po sa kanya ang sanggol. Huwag niyo po siyang patayin!”ang palahaw
ng tumatangis na ina.
Marahan
siyang itinayo ng hari. “Ako ay nakapagpasya na. Ang sanggol ay nararapat na
ibigay sa iyo dahil walang inang maghahangad ng kamatayan para sa
kanyang anak,” ang wika ng hari habang iniaabot ang sanggol sa babaeng umiiyak.
Lalong
hinangaan ng kanyang mga nasasakupan ang hari sa kanyang naging matalinong pasya.
Comments
Post a Comment