Skip to main content

Ang Tampuhan Modyul

Have you ever had a misunderstanding with your mom? Did you ever try to run away from home? Here is a story of a boy who chose to run away because he and his mom had a fight. Find out what happened in the story then answer the comprehension questions on the module.




        Alas-diyes na ng gabi. Madilim at wala nang ibang taong makikita sa kalsada maliban sa isang batang naglalakad.
        Tumutulo ang luha mula sa mga mata ni Ruben. Magkahalong lungkot, galit, at pagod ang nararamdaman ng bata habang mabagal na naglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi niya mapigilang mapaiyak habang naaalala niya ang away nila ng kanyang nanay ilang oras pa lang ang nakakalilipas.
        Nakita kasi ni Aling Maita ang lukot na papel sa bag ni Ruben. Ito ay kanyang pagsusulit na may bagsak na marka.
        “Bakit mababa ang nakuha mong marka, Ruben?” ang tanong ng kanyang nanay.
        “Eh paano po, masyadong mabilis magsalita si Ma’am. Hindi ko tuloy nasagot yung ibang tanong,” ang paangil na sagot ng bata.
        “Ganun ba? Sana ay ipinaulit mo sa guro ang tanong. Sigurado namang papayag iyon,” ang sabi ni Aling Maita.
        “Wala na akong magagawa. Bagsak na eh!” ang naiinis namang sagot ni Ruben.
        “Kaya nga anak. Sa susunod, kapag ganoon ang nangyari, ipaulit mon a lang sa guro ang tanong para hindi ka bumagsak,” ang payo ng nanay na nagsisimula nang mainis sa paraan ng pagsagot ng anak.
        “Oo na! Huwag niyo na akong kulitin. Bagsak na nga eh,” ang pasigaw na sagot ni Ruben.
        Dahil sa pagsigaw ni Ruben, tuluyan nang nagalit si Aling Maita. Pinagsabihan niya ang anak na matuto siyang sumagot nang tama lalo na sa kanyang magulang. Hindi naman umimik si Ruben. Sa sobrang tampo, naisipan ni Ruben na maglayas.
        At ganoon na nga ang ginawa ng batang lalaki. Dalawang oras siyang naglakad papalayo sa kanilang bahay. Umalis siya habang naghahanda ng hapunan ang kanyang nanay kaya hindi na siya nakakain. Nagsisimula nang kumalam ang sikmura nito nang bigla siyang may maamoy sa napakabango.
        Dinala siya ng kanyang pang-amoy sa isang maliit na lugawan. Habang pinagmamasdan ang mga taong masayang kumakain ng lugaw, tokwa, at lumpia, sinalat ni Ruben ang kanyang bulsa. Malas! Naiwan niya ang kanyang pitaka. Dahil wala naman siyang pambili ay malungot na lumayo ang bata mula sa lugawan.
        “Iho! Nagugutom ka ba?” ang tawag ng matandang lalaking may-ari ng lugawan.
        “Oho. Pero wala po akong pambayad,” ang sagot naman ni Ruben na patuloy pa ring lumalakad palayo.
        “Hindi na bale. Marami naman akong lutong lugaw ngayon. Halika at sabayan mo akong kumain,” ang yaya ng matanda.
        Dahil sa gutom, pumayag na rin si Ruben na paunlakan ang mama. Hinandaan siya nito ng malaking mangkok ng lugaw at ilang piraso ng lumpia. Habang hinihigop ng bata ang mainit na lugaw, naalala nito ay masasarap na meryendang inihahanda sa kanya ng kanyang nanay. Naisip nito na hindi na siya muling makakakain ng mga meryendong yun. Napaiyak na naman si Ruben at napansin ito ng matanda.
        “May problema ka ba, iho?” Ang nag-aalalang tanong nito sa batang umiiyak.
        “Nag-away po kasi kami ng nanay ko. Hindi po kasi niya maintindihan kung bakit ako bumagsak sa aking pagsusulit. Palagi na lang niya akong pinagsasabihan. Nakakainis!” ang paliwananag ni Ruben.
        Hindi na umimik ang matanda. Hinayaan na lamang nitong kumain ang bata. Pagkatapos ay inalok pa niya ito ng malamig na inumin. Maya-maya pa ay tumayo na ang bata.
        “Maraming salamat po, lolo. Napakalaking utang na loob po ang pagpapakain niyo sa akin. Babayaran ko po kayo pag ako ay may pera na,” ang pagpapaalam ng bata.
        “Iho, ginawa ko lamang ito dahil nag-aalala ako sa iyo. Isipin mo, kung ako na hindi mo kakilala ay nag-aalala sa iyo, paano pa kaya ang iyong nanay?” ang sabi ng matanda.
        Umalis na si Ruben. Habang iniisip kung saan siya matutulog sa gabing iyon, sumagi sa isipan niya ang sibambit ng matandang may-ari ng lugawan.
        “Nag-aalala nga kaya si Nanay? Oo. Palagi pa naman nun iniisip kung kumain na ako at kung nilalamig ba ako. Siguradong iniisip ako nun,” ang nasabi nito sa sarili.
        “Palagi na lamang akong inaalala ni Nanay. Kung tutuusin, ang pagpuna niya sa akin ay dahil na rin sa pag-aalala niyang hindi ako makakuha ng magandang grado,” ang dagdag pa nito.
        Nagpasiya si Ruben na umuwi na at humingi ng paumanhin sa kanyang ina. Hindi naman kasalanan ng kanyang nanay na mag-alala tungkol sa kanyang anak, kaya naisip niyang tapusin na ang kanilang tampuhan.


This module is writing intensive. Your student/child will need to write his or her own sentences using the given vocabulary words. Download the module here.

Comments

  1. Ganda. Naisip ko rin dati maglayas nung bata ako pero ndi natuloy kasi ala akong pera...lol....ipapabasa konito sa aking anak.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...