Skip to main content

Tore ng Babel Modyul

Have you ever wondered why there are so many different languages used all over the world? The Bible has an explanation for this. 

Read the story and answer the comprehension questions afterward. There are a few writing exercises included in this module. 


        Sa simula ay iisa lamang ang wika na ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig. Wala silang problema sa pagkakaintindihan dahil parepareho ang mga salitang kanilang ginagamit.
Sa kanilang paglalakbay patungong silangan, may isang malaking grupo ng tao na nakarating sa isang lambak sa lupaing Sinar. Nagpasiya sila na dito na tumigil at manirahan.
        Ang mga tao ay nag-usap-usap. “Halikayo! Gumawa tayo ng isang lungsod na may toreng ang taluktok ay aabot sa langit. Tiyak na tayo ay magiging tanyag sa buong daigdig kapag ito ay nagawa natin. Tayo ay hindi na rin magkakawatak-watak kapag natapos natin ang toreng ito,” ang sabi ng mga namumuno.
        Nagkasundo silang gawin ang toreng pinlano. Sila ay gumawa ng maraming tisa. Niluto nila itong mabuti upang maging matibay. Tisa ang ginamit nilang pambuo sa tore sa halip na bato. Alkitran naman ang kanilang ginamit sa halip na semento.  

        Nanaog ang Panginoon upang tingnan ang lungsod at ang toreng ginagawa ng mga tao. Siya ay nagwikang, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal ay wala nang makapipigil sa kanila sa ano mang balakin nilang gawin. Ang mabuti ay bumaba tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaunawaan.”
        Ginawa nga ng Panginoon ang kaniyang winika. Pinagwatak-watak Niya ang mga tao at ikinalat sa ibat-ibang lupain sa buong daigdig. Dahil dito ay natigil na ang pagtatayo sa tore. Babel ang itinawag ng mga tao sa lungsod na hindi natapos sapagka’t doo’y ginulo ng Panginoon ang wika ng mga tao.



Recall the elements of the story by completing this graphic organizer.

Download the module here. It contains vocabulary exercises, comprehension questions, and more.

Here is a short quiz on subject and predicate based on this story. 

Comments

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...