Skip to main content

Filipino - Pag-aalpabeto

Ang pag-aalpabeto ay ang pagsasaayos ng mga salita batay sa mga titik na bumubuo dito. Susunud-sunurin ang mga salita ayon sa alpabetong Filipino.

Hal.
Ayusin nang paalpabeto ang mga salitang: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon
Tingnan natin ang unang titik ng bawat salita:
 Cavite
 Laguna
 Batangas
 Rizal
 Quezon

Sa alpabetong Filipino, nauuna ang titik B, sumunod ang C, tapos L, sunod ang Q, at huli ang R. Kaya, ang tamang paalpabetong ayos ng mga binigay na salita ay:
 Batangas
 Cavite
 Laguna
 Quezon
 Rizal

Kapag magkapareho ang unang titik ng mga salita, tingnan lamang ang ikalawang titik. Iyon ang iyong pagbasehan ng pag-aalpabeto ng bawat salita. Kapag magkapareho pa rin ay patuloy na tumingin sa kasunod na titik sa kanan hanggang mahanap ang pagkakaiba.

Hal. Ayusin nang paalpabeto ang mga salitang: baso, bulaklak, bestida, bola, at bilhin. Dahil magkakapareho ang unang titik, ang pagbabasehan natin ay ang ikalawang titik.
        baso 
        bulaklak
        bestida
        bola
        bilihin

Sa alpabetong Filipino, nauuna ang titik A, susunod ang titik E, tapos ay ang I, sumunod ang O, at huli ang titik U. Kaya, ang tamang ayos ng mga binigay na salita ay:
        baso
        bestida
        bilihin
        bola
        bulaklak

Narito ang mga sanayang papel na maaaring gamitin sa pag-aaral ng pag-aalpabeto:

Maikling pagsasanay sa pagsusunod-sunod ng mga titik sa makabagong alpabetong Filipino

Maikling pagsasanay sa pag-aalpabeto ng mga salitang magkakaiba ang unang/ikalawang titik 

Maikling pagsasanay sa pag-aalpabeto ng mga salita ayon sa ikalawa-ikaapat na titik

Filipino - Alpabetong Filipino 
Maikling pagsasanay sa pag-aalpabeto

Filipino - Alpabetong Filipino 2
Extra exercises pa sa pag-aalpabeto
        


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pangungusap at Parirala

Ang pangungusap ay grupo o pangkat ng mga salita na may buong diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas (. ? !) Hal.  Sina Meryl at Jenny at mahilig magbasa ng libro.       Bumili si Gerald ng regalo para sa kanyang nanay noong Linggo. Ang parirala naman ay grupo ng mga salita na hindi buo ang diwa. Hal.  Sina Meryl at Jenny       noong Linggo       ng regalo para sa kanyang nanay Subukan mo ngang Sagutin: Alamin kung ang pangkat ng mga salita ay pangungusap o parirala. Ang mga halimbawa ay sadyang nakasulat gamit ang maliit na titik at walang bantas. 1. puting medyas na nasa ilalim ng kama 2. mabilis tumakbo si Luisito 3. tahimik na nakikinig 4. inayos ni Amy ang mga libro 5. nanonood ng programa sa telebisyon si Hannah Sagot: 1. parirala 2. pangungusap 3. parirala 4. pangungusap 5. pangungusap Narito ang ilan pang pagsusulit na maaaring gamitin upang su...