Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Update:

May mas bagong lesson at printable activities na tungkol sa Pagtukoy ng Direksiyon sa Aral Tayo PH. Mayroon itong mas malinaw na halimbawa, bagong mapa, at karagdagang worksheets para sa Hilaga, Timog, Silangan, at Kanluran.

Bagong Resources na Maaari Mong Gamitin

Beginner Direction Worksheets

View Worksheet

Mapa ng Pamayanan

View Worksheet

Direksiyon Detective

View Activity

Cut-and-Paste Map Activity

View Activity

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran.

Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalaki.
Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalaki.
Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalaki.
Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalaki.

Pangunahing Direksiyon

Bukod sa mga salitang harapan, likuran, kanan, at kaliwa, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtukoy ng direksyon. Ito ay ang hilaga, silangan, timog, at kanluran. Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon.

Tingnan ang compass rose sa ibaba.

Ang H ay tumutukoy sa direksyong paitaas o Hilaga.
Ang S ay tumutukoy sa direksyong pakanan o Silangan.
Ang T ay tumutukoy sa direksyong pababa o Timog.
Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran.

Bagong Lesson at Worksheets

Gumawa ako ng mas bagong lesson tungkol sa Hilaga, Timog, Silangan, at Kanluran sa Aral Tayo PH. Mas malinaw ang mga halimbawa at may mga bagong mapa para sa practice.

Go to the Updated Lesson

Mga Sanayang Papel

Maaari pa ring gamitin ang mga lumang practice sheets sa ibaba:

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Pang-ukol

Filipino - Pagdadaglat