Ang
pag-aalpabeto ay ang pagsasaayos ng mga salita batay sa mga titik na bumubuo
dito. Susunud-sunurin ang mga salita ayon sa alpabetong Filipino.
Hal.
Ayusin
nang paalpabeto ang mga salitang: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon
Tingnan natin ang unang
titik ng bawat salita:
Cavite
Laguna
Batangas
Rizal
Quezon
Sa alpabetong Filipino,
nauuna ang titik B, sumunod ang C, tapos L, sunod ang Q, at huli ang R. Kaya,
ang tamang paalpabetong ayos ng mga binigay na salita ay:
Cavite
Laguna
Quezon
Rizal
Kapag magkapareho ang
unang titik ng mga salita, tingnan lamang ang ikalawang titik. Iyon ang iyong
pagbasehan ng pag-aalpabeto ng bawat salita. Kapag magkapareho pa rin ay
patuloy na tumingin sa kasunod na titik sa kanan hanggang mahanap ang
pagkakaiba.
Hal. Ayusin nang
paalpabeto ang mga salitang: baso, bulaklak, bestida, bola, at bilhin. Dahil
magkakapareho ang unang titik, ang pagbabasehan natin ay ang ikalawang titik.
bulaklak
bestida
bola
bilihin
Sa alpabetong Filipino,
nauuna ang titik A, susunod ang titik E, tapos ay ang I, sumunod ang O, at huli
ang titik U. Kaya, ang tamang ayos ng mga binigay na salita ay:
bestida
bilihin
bola
bulaklak
Narito
ang mga sanayang papel na maaaring gamitin sa pag-aaral ng pag-aalpabeto:
Extra exercises pa sa pag-aalpabeto
It's so helfpul thanksss
ReplyDelete