Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2020

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pangungusap at Parirala

Ang pangungusap ay grupo o pangkat ng mga salita na may buong diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas (. ? !) Hal.  Sina Meryl at Jenny at mahilig magbasa ng libro.       Bumili si Gerald ng regalo para sa kanyang nanay noong Linggo. Ang parirala naman ay grupo ng mga salita na hindi buo ang diwa. Hal.  Sina Meryl at Jenny       noong Linggo       ng regalo para sa kanyang nanay Subukan mo ngang Sagutin: Alamin kung ang pangkat ng mga salita ay pangungusap o parirala. Ang mga halimbawa ay sadyang nakasulat gamit ang maliit na titik at walang bantas. 1. puting medyas na nasa ilalim ng kama 2. mabilis tumakbo si Luisito 3. tahimik na nakikinig 4. inayos ni Amy ang mga libro 5. nanonood ng programa sa telebisyon si Hannah Sagot: 1. parirala 2. pangungusap 3. parirala 4. pangungusap 5. pangungusap Narito ang ilan pang pagsusulit na maaaring gamitin upang su...

Saan Nagmula ang Ulan? - Module

I personally hate the rain. Well, I love that it helps the farmers water their plants and that it's free water for many. BUT, I hate getting wet. I hate the damp feeling that it brings.  It rained a little the other day so it made me think of an origin story for it. Here is a legend of how the rain came to be. SAAN NAGMULA ANG ULAN? Noong panahong kalilikha pa lamang ng mundo, may isang higanteng nakatira sa loob ng isang madilim na kuweba . Ang pangalan ng higante ay Wulan. Si Wulan ay sadyang nakatatakot dahil sa kaniyang angking laki at tapang. Lahat ng taong naninirahan malapit sa kuweba ay takot na takot sa kaniya.   .        Sa panahong iyon, ang tubig na ginagamit ng mga tao sa pagdidilig at paghuhugas ay nanggagaling sa dagat. Pati na ang kanilang iniinom ay sa dagat rin nila kinukuha. Dahil maalat ang tubig, hindi nagugustuhan ng mga tao ang lasa nito. Isang araw, habang ang mga lalaki ay nangangaso, nakatuklas sila ng isa...

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Si Kulas Kalimot Modyul

Are you always coming in late for school (or work) because you keep forgetting things. I am. I would walk out the door, get to the car, and realize that I forgot my wallet/phone/both. My son is the same. So, I decided to make a story about it. It's not "true to life" but close enough.     Si Kulas Kalimot       Tinanghali na naman nang pasok sa kanilang klase si Kulas. Habang dahan-dahang pumapasok sa klasrum ang bata ay tinanong ito ng kanilang guro. “Nicholas, bakit nahuli ka? Hindi ka tuloy nakasali sa ating flag ceremony.”      “Pasensiya na po, ma’am. Maaga naman po akong umalis sa amin kaya lang ay bumalik po ako sa bahay dahil nakalimutan ko pong dalhin ang aking proyekto sa Science,” ang nahihiyang sagot ng bata.      Napabuntong-hininga na lamang ang guro. Karaniwang pangyayari na ang pagpasok ni Kulas nang huli sa klase. Noong isang linggo ay nahuli siya dahil nakalimutan niya ang kaniyang baunan. ...