Ang pang-abay ay hindi natatapos sa pamaraan, panlunan, at pamanahon. Narito ang ilan pang uri ng pang-abay na maaaring talakayin sa inyong klase.
Click on the picture to make it bigger |
Pang-abay na panang-ayon
Ito ay mga salitang nagsasaad ng pagsang-ayon sa salitang kilos, pang-uri, sa iba pang pang-abay sa pangungusap. Ito ay ginagamit upang sumang-ayon o tanggapin ang sinasabi ng kausap.
Hal.
- oo / opo (yes)
- sadya (indeed)
- sige (all right)
- sigurado (surely)
- siyanga (indeed)
- siyempre (of course)
- talaga (really)
- tiyak (definitely)
- tunay (truly)
- walang duda (without a doubt / undoubtedly)
Tiyak na maraming nawalan ng tahanan nitong nakaraang bagyo.
Ang pang-abay na tiyak ay tumutukoy sa pang-uring marami.
Siguradong nagmamadali na ang mga batang huli na sa klase.
Ang pang-abay na sigurado ay tumutukoy sa pandiwang nagmamadali.
Pang-abay na pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng hindi pagsang-ayon o pagtutol sa isang kilos (pandiwa), salinang naglalarawan (adjective), o kapwa pang-abay (adverb).
Hal.
- Ayaw
- Hindi i 'di
- Huwag
- Wala
Huwag tularan ang kanyang mga maling nakasanayan.
Ang pang-abay na huwag ay tumutukoy sa pandiwang tularan.
Hindi mabuti ang pakiramdam ng batang maysakit.
Ang pang-abay na hindi ay tumutukoy sa pang-uring mabuti.
Pang-abay na pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi katiyakan sa tinutukoy nitong pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Hal.
- baka (perhaps)
- marahil (maybe)
- tila (it seems)
- siguro (maybe)
- yata (maybe)
Baka bukas na ako makabisita sa aking lola dahil maulan ngayong araw.
Ang pang-abay na baka ay tumutukoy sa pang-abay na bukas.
Siguro ay magiging matagumpay ang kanilang proyekto kung maraming tutulong at makikilahok.
Ang pang-abay na siguro ay tumutukoy sa pandiwang magiging matagumpay.
Worksheets:
This short exercise will have your student encircling the adjective
This short exercise will have your student encircling the adjective
Mga pang abay tungkol sa arts po
ReplyDeletePamitagan na may pangungusap po halimbawa
ReplyDeleteThnx
ReplyDeleteMaraming salamat po sa sight na ito dahil natulungan mo ako at natulungan ko anak ko.
ReplyDelete