Si Aliana ay nagkain / kumain / kinain ng tanghalian.
May anim na pokus ng pandiwa:
1. Pokus sa Aktor o Tagaganap - ang simuno ang gumaganap sa aksiyon na pinapakita ng pandiwa.
The subject is the doer of the action expressed by the verb.
Hal:
Si Aileen ay naghanda ng meryenda.
(Si Aileen ang simuno sa pangungusap. Siya rin ang gumagawa ng kilos na tinutukoy ng pandiwa.)
2. Pokus sa Gol o Layon - Ang simuno ang tagatanggap ng aksiyon na tinutukoy ng pandiwa. Kalimatang ito ang sagot sa tanong na "ano ang [pandiwa]?"
The subject is the receiver of the action expressed by the verb.
Hal:
Ang meryenda ay inihanda ni Aileen.
(Ang meryenda ang simuno sa pangungusap. Ito ay tumatanggap ng kilos. Ito ang sagot sa tanong na, "Ano ang inihanda?")
3. Pokus sa Ganapan o Lokatib - Ang simuno ay ang lugar kung saan nagaganap ang kilos o aksiyon. Ito ay maaaring isang lugar tulad ng simbahan, paaralan, o kuwarto. Maaari rin itong maging isang bagay tulad ng lalagyan, plato, o lababo. Ang pandiwang ginagamit dito ay karaniwang may panlaping pinag-.
The subject is where the action takes place. It could be a place or an object.
Hal:
Ang malaking bandeha ang pinagpatungan ni Aileen ng mga plato.
(Ang bandeha ang simuno ng pangungusap. Dito rin ginawa ang aksiyon ng pagpapatong ng mga plato.)
4. Pokus sa Benepaktib o Tagatanggap - Ang simuno ay kung ano o sino ang nakinabang sa kilos. Ang pandiwa ay kalimitang ginagamitan ng panlaping ipinag-.
The subject is the benefactor of the action expressed by the verb.
Hal:
Ang mga bisita ay ipinaghanda ni Aileen ng meryenda.
(Ang mga bisita ang simuno ng pangungusap. Sila rin ang nakinabang sa kilos.)
5. Pokus sa Sanhi o Kusatib - Ang simuno ng pangungusap ay ang sanhi o dahilan ng kilos o pandiwa. Ang pandiwa ay kalimitang ginagamitan ng panlaping ikina-.
The subject is the cause of the action expressed by the verb.
Hal:
Ang paghahanda ni Aileen ng meryena ang ikinatuwa ng kaniyang mga bisita.
(Ang paghahanda ang simuno ng pangungusap. Ito rin ang sanhi ng kilos sa pagkatuwa.)
6. Pokus sa Gamit o Instrumental - Ang simuna ay tumutukoy sa ginagamit upang magawa ang kilos. Ang pandiwa ay kalimitang ginagamitan ng panlaping ipinang-.
The subject is the object that is used in order to do the action expressed by the verb.
Hal:
Ang sandok ang kanyang ipinangsalok ng ginataan.
(Ang sandok ang simuno ng pangungusap. Ito rin ang ginamit upang magawa ang aksiyon na "salok".)
Comments
Post a Comment