Skip to main content

Uri ng Pandiwa

Uri ng Pandiwa

May dalawang uri ng pandiwa:


1. Katawanin - ang pandiwa ay ganap o buo na ang diwang ipinahahayag sa ganang sarili.

 Hal.

          Nagpunta ang mga kalalakihan sa tahanan ni Ginoong Fernandez.

          Ang aking mga magulang ay natuwa sa aking mataas na marka.

2. Palipat - ang pandiwa ay hindi ganap o buo at nangangailangan ng tagatanggap ng kilos na tinatawag na tuwirang layon (direct object).

Hal.

          Nagsabit ng karatula sa harap ng kanyang bahay si Ginoong Fernandez. 

          (nagsabit ng ano? karatula - tuwirang layon)
      
          Sumulat ng liham ang mabait na bata para sa kanyang guro.
          (sumulat ng ano? liham)

If you need a video to help you understand this topic better, you can find the link here:




Narito ang ilang pagsusulit na makakatulong sa iyong pagtuturo o pag-aaral:


Filipino 6 - Uri ng Pandiwa - palipat

10-item to practice identifying the direct object of the transitive verb.

Filipino 6 - Uri ng Pandiwa - palipat

10 more items that will help you get familiar with the form of transitive verbs.

Filipino 6 - Uri ng Pandiwa
10-items in identifying the verb in each sentence and determining if it is a transitive or intransitive verb.

Filipino 6 - Uri ng Pandiwa
10 more items in identifying the verb in each sentence and determining if it is a transitive or intransitive verb.

Comments

Popular posts from this blog

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...