Skip to main content

Pang-abay na Panang-ayon, Pananggi, at Pang-agam

Ang pang-abay ay hindi natatapos sa pamaraan, panlunan, at pamanahon. Narito ang ilan pang uri ng pang-abay na maaaring talakayin sa inyong klase.
Click on the picture to make it bigger

Pang-abay na panang-ayon
Ito ay mga salitang nagsasaad ng pagsang-ayon sa salitang kilos, pang-uri, sa iba pang pang-abay sa pangungusap. Ito ay ginagamit upang sumang-ayon o tanggapin ang sinasabi ng kausap.
  Hal.   
  • oo / opo (yes)
  • sadya (indeed)
  • sige (all right)
  • sigurado (surely)
  • siyanga (indeed)
  • siyempre (of course)
  • talaga (really)
  • tiyak (definitely)
  • tunay (truly)
  • walang duda (without a doubt / undoubtedly)


Tiyak na maraming nawalan ng tahanan nitong nakaraang bagyo. 
Ang pang-abay na tiyak ay tumutukoy sa pang-uring marami.
Siguradong nagmamadali na ang mga batang huli na sa klase.
Ang pang-abay na sigurado ay tumutukoy sa pandiwang nagmamadali.

Pang-abay na pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng hindi pagsang-ayon o pagtutol sa isang kilos (pandiwa), salinang naglalarawan (adjective), o kapwa pang-abay (adverb). 
Hal.
  • Ayaw
  • Hindi i 'di
  • Huwag
  • Wala


Huwag tularan ang kanyang mga maling nakasanayan.
Ang pang-abay na huwag ay tumutukoy sa pandiwang tularan.

Hindi mabuti ang pakiramdam ng batang maysakit.
Ang pang-abay na hindi ay tumutukoy sa pang-uring mabuti.

Pang-abay na pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi katiyakan sa tinutukoy nitong pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Hal.
  • baka (perhaps)
  • marahil (maybe)
  • tila (it seems)
  • siguro (maybe)
  • yata (maybe)



Baka bukas na ako makabisita sa aking lola dahil maulan ngayong araw.
Ang pang-abay na baka ay tumutukoy sa pang-abay na bukas.

Siguro ay magiging matagumpay ang kanilang proyekto kung maraming tutulong at makikilahok.
Ang pang-abay na siguro ay tumutukoy sa pandiwang magiging matagumpay.

Worksheets:
This short exercise will have your student encircling the adjective



This short exercise will have your student encircling the adjective

Comments

Post a Comment