Skip to main content

Posts

Showing posts from June, 2019

Filipino Quiz # 17

Ang pangngalang basal o di-kongkreto ay ang mga ngalang  tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa:       wika          yaman          buhay          asal

Ang Matalinong Pasya Modyul

King Solomon was said to be one of the wisest kings of Israel. He was favored by God because of his humility. People from far off places came to him to seek his advice. Here is a short story based on that. MATALINONG PASYA         Nang si Solomon ay maging hari ng Israel, hiniling niya sa Diyos na siya ay tulungang maging isang mabuting hari. Dahil dito ay nalugod sa kanya ang Diyos at siya ay pinagpala nito. Biniyayaan siya ng Diyos ng katalinuhan.         Dahil sa kanyang angking katalinuhan, si Solomon ay dinadayo ng mga tao mula pa sa malalayong lugar upang pagtanungan ng solusyon sa kanilang mga problema. Sila naman ay binibigyan ni Solomon ng matatalinong kasagutan.         Isang araw, may dalawang inang nagpunta sa palasyo ni Haring Solomon. Ang isa ay galit na galit at nagsisisigaw samantalang ang isa’y walang tigil sa pag-iyak.     ...

Filipino Quiz #16

Alam mo ba kung ano ang mga salitang may kambal katinig? Tandaan, kailangang magkasama ang dalawang katinig sa iisang pantig.

Filipino - Bayaning Pilipino Modyul

Doctor Jose Rizal is hailed as the country's national hero. He was instrumental in our fight for independence back when the Philippines was a colony of Spain. This text provides information about Rizal and why he was beloved by many. BAYANING PILIPINO         “Mga bata, ngayong araw na ito ay babasahin natin ang talambuhay ni Jose Rizal. Mayroon ba kayong tanong o nais ibahagi bago tayo magsimulang magbasa?” ang tanong ni Binibining Diaz.         “Miss, totoo po bang may monumento si Dr. Jose Rizal sa China?” ang tanong ni Czarina.         “Bakit naman sila magtatayo ng monumento ni Rizal sa China eh Pilipino naman si Rizal?” ang malakas na bulong ni Gilda na kanyang katabi.         “Oo, mayroon nga siyang monumento sa China. Ito ay katulad na katulad ng monumento niya na nasa Rizal Park. Naniniwala kasi ang mga Intsik na ang mga ninu...

Filipino - Salitang Maylapi

          Ang mga salitang hindi na maaaring hatiin o paikliin pa ay tinatawag na salitang-ugat . Ilan sa mga halimbawa nito ay: isip          tawa          sulat           Ang mga salitang naihihiwalay ang salitang-ugat sa iba pang titik o pantig ay tinatawag na salitang maylapi . Ang mga halimbawa nito ay: isipin          natawa          sulatin           Panlapi ang tawag sa mga naiiwang titik o pantig kapag inihiwalay ang salitang-ugat. Ang mga panlapi ay maaaring: * Unlapi - inilalagay sa unahan ng salitang-ugat           Hal.          ma liksi          pag tulog          um ikot * Gitlapi - inilalagay sa gitna ng salitang-ugat           Hal.  ...

Bakit Kulu-kulubot ang Ampalaya Modyul

This is the legend of why the bitter gourd's skin is wrinkled. This is a story of how one bad decision can have really bad consequences. This  module  contains the story, vocabulary exercises, comprehension questions, and writing prompts. BAKIT KULU-KULUBOT ANG AMPALAYA?         Noong unang panahon, ang mga gulay ay walang kulay. Pare-pareho ang kanilang itsura . Hanggang sa isang engkantada ang nakapansin nito. Naisipan niyang mas mainam siguro kung iba-iba ang kanilang anyo.         “Gusto ba ninyong magkaroon ng kulay?” ang tanong ng mabait na engkantada.         “Opo, gusto po namin,” ang sagot naman ng mga gulay.         “Kung ganoon ay sumama kayo sa aking tirahan. Doon, ang bawat isa sa inyo ay mapagkakalooban ko ng kulay,” ang sabi ng engkantada.         Sama-samang naglakbay...