Si Aliana ay nagkain / kumain / kinain ng tanghalian. Alam niyo ba kung alin ang tamang pandiwa para sa pangungusap sa itaas? Kalimitang nahihirapan sa pagpili kung anong anyo ng pandiwa ang gagamitin. Isa sa magpapadali sa pagpili ng tamang gagamitin na pandiwa ay ang pagkilala sa pokus nito. May anim na pokus ng pandiwa: 1. Pokus sa Aktor o Tagaganap - ang simuno ang gumaganap sa aksiyon na pinapakita ng pandiwa. The subject is the doer of the action expressed by the verb. Hal: Si Aileen ay naghanda ng meryenda. (Si Aileen ang simuno sa pangungusap. Siya rin ang gumagawa ng kilos na tinutukoy ng pandiwa.) 2. Pokus sa Gol o Layon - Ang simuno ang tagatanggap ng aksiyon na tinutukoy ng pandiwa. Kalimatang ito ang sagot sa tanong na "ano ang [pandiwa]?" The subject is the receiver of the action expressed by the verb. Hal: Ang meryenda ay inihanda ni Aileen. (Ang meryenda ang simuno sa ...