Skip to main content

Posts

Showing posts from 2018

Kaantasan ng Pang-uri

Notes will follow. I just need too park these links here. Worksheets: Kaantasan ng Pang-uri 1 Long exercise on writing the correct adjective degree based on what is asked / context clues Kaantasan ng Pang-uri 2 More of the same type of exercise as above

Pantukoy

Ang pantukoy (article) ay mga katagang ginagamit upang ipakilala ang mga pangngalan sa pangungusap. Ang "ang" at "ang mga" ay mga pantukoy na pambalana. Ito ay matatagpuan sa unahan ng mga pangngalang pambalana (common nouns).           hal.    Ang ibon ay nag-uwi ng uod sa kanyang mga inakay.                     Ang mga ibon ay namamahay sa sanga ng puno. Ang "si" at "sina" naman ay mga pantukoy na pantangi. Matatagpuan ang mga ito sa unahan ng mga pangngalang pantangi (proper nouns).           hal.      Si Fernando ay isang mabuting anak.                       Sina Fernando at Gabriel ay mabubuting mga anak. Narito ang ilang mga pagsusulit tungkol sa pantukoy: Fil 1- Pantukoy na Pambalana 1 10-item fill-in-the-blank exercise in choosing the right article for common nouns Fil 1- Pantukoy na...

Nagtrabaho si Juan Tamad Modyul

This is a story of a lazy young man who was forced to find work because his mother finally got fed up of his laziness. The module contains a glossary for terms used, a short vocabulary quiz, comprehension questions, a short writing exercise, and a characterization exercise. NagtrabahoSi Juan Tamad   Sa isang maliit na baryo ay may nakatirang mag-ina. Ang nanay ay sobrang sipag ngunit ang anak naman, si Juan, ay labis ang katamaran. Hirap na hirap ang kanyang nanay na utusan ang anak dahil mas gusto nitong mahiga sa damuhan at panoorin ang mga ulap. Isang araw, tinawag ng nanay si Juan ngunit hindi ito sumagot. Dumungaw sa bintana ang nanay at nakitang nakadapa ang kanyang anak sa sahig. Pinapanood nito ang pila ng langgam na naglalakad sa lupa. “Juan, pumasok ka na at maghanda ng hapagkainan . Tayo ay manananghalian na,” ang malakas na tawag nito sa binata. Hindi tumayo si Juan. Nagpatuloy lang ito sa kanyang pagkakahiga sa lupa. “Juan, tumayo ka riyan at tulungan mo a...

Pagbuo ng Pandiwa Gamit ang Iba't-ibang Panlapi

Writing the different forms of verbs can be very tricky. Not only do you need to remember the tenses, you also need to know where to put the affixes. Download here the lesson  with drills to help your student/child practice.

Aspektong Naganap - Pandiwa

One worksheet for past tense (aspektong naganap / perpektibo) of the verb. Your child/student will have to write the correct form of the verb in order to complete the story. Aspektong Naganap - Pandiwa 1 18 items of filling up the blanks by writing the correct past tense of the verb

Aspektong Nagaganap - Pandiwa

Here are worksheets to help your child practice writing verbs in the present progressive tense (aspektong nagaganap).  Filipino 2 - Aspektong Nagaganap - Pandiwa A 15-item exercise in writing the correct form of the verb Filipino 2 - Aspektong Nagaganap - Pandiwa 2 15-items more of the same type of exercise

Aspektong Magaganap - Pandiwa

These are exercises in writing the future tense form of the given verbs.  Filipino 2 - Aspektong Magaganap  This contains 12-items of writing the future tense of the given verbs. This talks about the New Year Resolution of a young child wanting to be a better person. Filipino 2 - Aspektong Magaganap Another 12items of the same exercise. This talks about the plans for a young boy's birthday celebration.

Wastong Gamit ng Pandiwa

Do you know when to use "pahirin" and when to use "pahiran"? Filipino verbs can be a little confusing. Here is a lesson that will hopefully clear it up a bit. Short quizzes for this lesson here: Wastong Gamit ng Pandiwa 1  This is a 20-item exercise sheet for practicing how to use the correct verb. Wastong Gamit ng Pandiwa 2 12 more items for using the right form of the verb to complete sentences.

Ang Dalawang Magkaibang Pinuno Modyul

This is a long read for the older students (Grade 6 and above, I think). I modified this story from another because the original was too sad for me.  Ang Dalawang Magkaibang Pinuno     Noong unang panahon, sa isang malayong pook na nagngangalang Sitio Kinabukasan, makapal na makapal ang kagubatan at ang mga hayop ay maiilap. Malayo ang pagitan ng mga bahay kaya’t madalang na may taong lumilibot dito maliban sa magkapatid na Hiraya at Amyuin. Sila ang anak ng dating tagaapamahala ng Sitio Ipo. Maagang naulila ang dalawa dahil natabunan ng lupa ang kanilang ama at ina nang tamaan ang sitio ng isang delubyo ilang taon na ang nakalilipas. Simula nang pumanaw ang ama, si Hiraya na ang tumayong tagapangalaga ng Sitio Kinabukasan. Bagaman siya’y bata pa, sinikap ni Hirayang pamahalaan ang sitio sa paraang inaakala niyang matuwid. Nagbigay siya ng mga kautusan. Ang sinumang sumusuway sa mga kautusan ng sitio ay agad niyang pinarurusahan. Narito ang mga kau...

Ang Batang Mahilig Magtago Modyul

I created a story based on "Si Pilong Patago-tago". This story is very short and is quite an easy read.  It contains a short comprehension test, hunting for and identifying the tense of verbs, and a short writing exercise. Ang Batang Mahilig Magtago Ang paboritong laro ni Tonyo ay taguan. Siya ang pinakamagaling magtago sa kanilang magkakalaro. Nagtatago siya sa loob ng maliliit na basurahan, sa tuktok ng mataas na puno, at sa likod ng mapapayat na poste. “Tonyo! Nasaan ka na naman?” ang sigaw ng kanyang nanay. “Umuwi ka na at gumagabi na,” ang dagdag pa nito. Hindi makita ng kanyang nanay si Tonyo. Nagtatago pala ito sa likod ng kanilang halamang santan. Tumalon si Tonyo patayo at ginulat ang kanyang nanay. “Nay! Galingan mo naman po ang paghanap sa akin,” ang sabi nitong pabiro habang papasok sa kanilang bahay. “Tonyo! Nasaan ka na naman?” ang sigaw ng kanyang tatay. “Itabi mo nga ang mga laruan mo, matatapakan ko na naman itong robot mo o!” ...

Uri ng Pandiwa - Katawanin o Palipat

Here is an intro video to the kinds of verbs (uri ng Pandiwa): Now that you know the difference between a transitive verb (Palipat) and intransitive verbs (Katawanin), test what you know by answering any of these simple worksheets: Palipat o Katawanin 1 - this is a 10-item quiz on identifying if the underlined verb is transitive or intransitive. There is also a very short writing exercise. Palipat o Katawanin 2 - this is another version of the 10-item quiz on identifying if the underlined verb is transitive or intransitive. There is also a very short writing exercise. Palipat o Katawanin 3 - This is a little harder than the two previous quizes. You will have to identify the verb and then determine what kind it is. You will then be asked to use the given verbs to write 2 sentences.

Ang Tatlong Biik Modyul

This is a story about three piglets and their adventure versus the big wolf. I incuded a lot of comprehension and writing exercises to go with the translated story. It contains a vocabulary exercise, comprehension questions, open-ended questions, sequencing events, identifying character traits, filling up a graphic organizer based on story elements, and providing an alternate ending. There is even a bonus exercise requiring creativity. Read and download the module here : Ang Tatlong Biik May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang kapalaran . Napag-usapan ng mga biik na humanap ng lugar kung saan sila makapagatayo ng bahay. Sila ay naghiwahiwalay upang humanap ng maayos na lugar na maaari nilang tirahan.          May pagkatamad ang unang biik kung kaya’t hindi siya masyadong lumayo. Siya ay nagtayo ng maliit na bahay na gawa sa dayami. Isang araw, may napadaang isang lobo at nakita nito ang biik na nakatir...