What would you do if you find yourself trapped inside a weird house where the owner, a witch, is fattening you up so she could eat you? Find out how Hansel and Gretel deal with this problem in this module . HANSEL AT GRETEL Noong unang panahon, may isang mahirap na magtotroso na nakatira sa isang maliit na kubo sa may kagubatan. Kasama niyang nakatira dito ang kanyang dalawang anak na sina Hansel at Gretel. Maagang nabiyudo ang magtotroso at siya ay nag-asawang muli. Ayaw ng tiyahin sa kanyang dalawang anak. Palagi nitong iminumungkahi na paalisin na ng magtotroso ang dalawang bata dahil sila ay pabigat lamang. “Wala na tayong makain! Mabuti pang ipadala mo na sa ibang tao ang dalawang batang iyan,” ang palagi nitong sinasabi kapag ito ay nagagalit. Isang araw, binuksan ng tiyahin ang kanilang taguan ng pagkain at nakita nitong halos wala nang natitirang tinapay. “Mamamatay tayong lahat sa gutom! Napakaraming bibig na kailangang pakainin. Kung wala kang kamag-anak na ...