Ang akrostic ay karaniwnag isang tula kung saan ang unang letra o titik ng bawat linya ay bumubuo ng salita o mensahe.
Mayroon ding mas kumplikadong uri ng akrostik kung saan ang mga titik ng mensahe ay hindi matatagpuan sa unahan ng bawat linya, kundi sa gitna. Meron ding ibang akrostic kung saan ang mga titik ng mensahe ay nasa unahan ng talata.
Ito ay isang halimbawa ng Akrostik:
Tandaan natin sa tuwina
Ang tagubilin ng ating ama't ina
Galing sa puso't isip nila
Upang magsilbing gabay sa'ting tuwina
Batas at alituntuinin
Isaisip at palaging sundin
Lahat ito'y para rin sa atin
Itanim sa isipan at damdamin
Nang tagumpay ay makamtan natin.
Talakayin natin:
1. Tungkol saan ang binasang akrostik?
2. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga tagubilin?
3. Sinu-sino ang mga taong nagbibigay sa iyo ng mga tagubilin?
4. Ano ang iyong nadarama kapag ang isang tao ay nagbigay ng tagubilin na hindi mo nais sundin? Ano ang magiging resulta ng hindi mo pagsunod?
Palawigin:
Ang mga tagubilin ay mga paalala at alituntunin na karaniwang ibinibigay ng mga magulang, guro, at iba pang taong may awtoridad. Sa inyong bahay, siguradong may mga tagubilin kayong sinusunod. Pumili ng isa at ipaliwanag ang kahalagahan nito.
Gawin Natin:
Gumawa ng isang poster na nagsasaad ng isang tagubilin tungkol sa pagiging mabuting anak, mag-aaral, at munting mamamayan.
Gawin Natin:
Sumulat ng isang akrostik. Maaaring maglagay ng kahit na anong mensahe dito.
tnx teacher Abi! your blog really helps a lot!
ReplyDeleteGod bless!