Skip to main content

Ang Mahiwagang Singsing - Modyul

This is a story of how a boy was rewarded for persevering to finish a task that was assigned to him.

This module contains all the usual components: vocabulary-building items, reading comprehension questions, short writing tasks, and a drawing section. It also contains short exercises on sequencing events (pagsusunod-sunod ng mga pangyayari) and cause and effect (pagtukoy ng sanhi at bunga) based on the story.




        Sina Martin, Buboy, at Vince ay magkakaibigan. Sila ay nakatira sa isang maliit na baryo na malapit sa kagubatan. Minsan, nagkayayaan ang magkakaibigan na pumasok sa gubat. Balak nilang manghuli ng palaka na ibebenta nila sa palengke. Sa kahahabol sa mga palaka, hindi namalayan ng tatlong bata na sila ay napadpad na sa lugar na hindi pamilyar sa kanilang tatlo. Sinikap nilang hanapin ang daan pauwi ngunit lalo lamang silang naligaw. Matapos ang ilang oras ay nagsimula na silang mapagod at magutom.
        Sa kalalakad ng tatlo, di nila inaasahang makakita ng isang maliit na bahay. Tumakbo papunta sa kakaibang bahay ang mga bata.
        “Tao po,” ang malakas na sigaw ni Martin. Kumatok naman ng malakas si Buboy. Sumilip naman sa bintana si Vince.
        Isang matandang babae ang nagbukas ng pinto. “Ano’ng kailangan ninyo?” ang pagalit na tanong nito sa tatlo.
        “Nawawala po kasi kami,” ang paliwanag ni Martin.
        “Gutom na gutom na po kami,” ang dagdag ni Buboy.
        “At pagod na pagod na,” ang sambit naman ni Vince.
        “Hindi ko kayo kilala. Bakit ko kayo tutulungan?” ang tanong ng matanda habang tinatangkang isara ang pinto.
        “Maawa na po kayo, lola. Kahit kaunting pagkain lang po,” ang pagsusumamo ni Buboy.
        Ngunit sa halip na bigyan sila ng matanda ng pagkain, inabutan nito ang tatlong bata ng tig-isang kahon na puno ng maruruming singsing. Pagkatapos ay inabutan din nito ang bawat bata ng tigatatlong kahon na magkakaiba ang laki.
        “Linisin niyo muna ang mga laman ng kahon na iyon,” ang utos ng matanda. “Pagkatapos ay ibalik niyo ang mga singsing sa tamang lalagyan ayon sa laki nito,” ang dagdag pa nito.
        “Linisin ang mga kinakalawang na singsing? Ang hirap naman!” ang sagot ni Martin. Galit itong tumalikod at naglakad papalayo.
        Umupo naman ang dalawang natirang bata at nagsimulang linisin ang mga singsing. Makalipas ang ilang minuto, sumuko na rin si Buboy. Tumayo ito at galit na naglakad papalayo.
        Si Vince ay nagpursiging linisin lahat ng marumi at kalawanging singsing. Matiyaga rin niyang isinalansan ang mga nalinis na singsing. Ang maliliit ay inilagay niya sa maliit na kahon. Ang malalaking singsing naman ay inilagay niya sa malaking kahon.
        Ikinuskos ni Vince ang isang maruming singsing sa kanyang hawak na basahan. Nabigla siya nang may sumulpot na isang engkantada sa kanyang harapan.
        “Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” ang tanong ng engkantada kay Vince.
        Nangangatog itong sumagot ng, “Ka...ka...kaunting pagkain po sana.” Kahit na natatakot ay pinangunahan pa rin ng gutom ang kawawang bata.
        Biglang may sumulpot na malaking trey sa harapan ni Vince. Punung-puno ito ng masasarap na pagkain. Kahit na nanginginig pa rin, nagsimula nang kumain ang bata. Habang siya ay ngumunguya, lumapit ang engkantada at inabutan siya ng isang maliit na bagay.
        “Itago mo ang singsing na iyan, bata. Sa tuwing may kailangan ka ay kuskusin mo lamang iyan at ako ay darating,” ang wika ng engkantada.
        “Ngunit hindi po akin ang singsing na ito. Sa matandang babae po ito,” ang sagot ni Vince habang pinipilit na ibalik sa engkantada ang hawak.
        Ngumiti lamang ang engkantada at dahan-dahang nagbago ang anyo nito. Siya pala ang matandang babae.
        “Isa kang matiyagang bata. Matagal na akong naghahanap ng matiyagang batang maaaring tumulong sa akin sa pagbabantay dito sa aking kagubatan. Kung ipapangako mong tutulungan mo ako, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kahilingan mo,” ang paliwanag ng matanda.
        “Opo, tuutulungan ko po kayo,” ang pangako ni Vince. “Pero, puwede niyo po ba akong tulungang makauwi? Mag-aalala po kasi ang aking nanay,” ang dagdag ng bata.
        Tumango naman ang matanda. Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakita na ulit ni Vince ang daan pauwi sa kanilang bahay. Mula noon ay araw-araw na itong bumabalik sa kagubatan upang tulungan ang mahiwagang matanda.


***

Download the module here. to answer the vocabulary, comprehension questions., and other exercises.

Comments

Popular posts from this blog

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...