Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2019

Ang Mahiwagang Singsing - Modyul

This is a story of how a boy was rewarded for persevering to finish a task that was assigned to him. This module contains all the usual components: vocabulary-building items, reading comprehension questions, short writing tasks, and a drawing section. It also contains short exercises on sequencing events (pagsusunod-sunod ng mga pangyayari) and cause and effect (pagtukoy ng sanhi at bunga) based on the story. ANG MAHIWAGANG SINGSING         Sina Martin, Buboy, at Vince ay magkakaibigan. Sila ay nakatira sa isang maliit na baryo na malapit sa kagubatan. Minsan, nagkayayaan ang magkakaibigan na pumasok sa gubat. Balak nilang manghuli ng palaka na ibebenta nila sa palengke. Sa kahahabol sa mga palaka, hindi namalayan ng tatlong bata na sila ay napadpad na sa lugar na hindi pamilyar sa kanilang tatlo. Sinikap nilang hanapin ang daan pauwi ngunit lalo lamang silang naligaw . Matapos ang ilang oras ay nagsimula na silang mapagod a...

Takot sa Pera - Modyul

Some people are scared of money. Not of using it or earning it but of saving it. They usually spend their money on small items that they do not need. Discover how these young brothers overcame their fear of saving money. TAKOT SA PERA         Tandang-tanda pa ni Rico ang nangyari sa kanyang nakababatang kapatid noong ito ay magdadalawang-taong gulang pa lamang. Masayang naglalaro si Pancho sa sahig. Nakapalibot ang kanyang mga laruang kotse at pinagkakarera niya ang mga ito. Ang bata ay may namataang bagay na kumikinang sa ilalim ng kanila sopa. Dali-dali niya itong dinampot. Tiningnan niya ito sandali at biglang isinubo. Nagpatuloy sa paglalaro ng kanyang mga kotse si Pancho ngunit bigla na lamang niyang nalunok ang makinang na bagay na kanyang isinubo. Sinubukan niya itong iluwa ngunit ito ay bumara sa kanyang lalamunan.         Nagsimulang mahirapang huminga ang bata at tumakbo ito sa kanyang kuya. Hindi...

Tagubilin - Isang Akrostik

Ang akrostic ay karaniwnag isang tula kung saan ang unang letra o titik ng bawat linya ay bumubuo ng salita o mensahe. Mayroon ding mas kumplikadong uri ng akrostik kung saan ang mga titik ng mensahe ay hindi matatagpuan sa unahan ng bawat linya, kundi sa gitna. Meron ding ibang akrostic kung saan ang mga titik ng mensahe ay nasa unahan ng talata. Ito ay isang halimbawa ng Akrostik: T andaan natin sa tuwina A ng tagubilin ng ating ama't ina G aling sa puso't isip nila U pang magsilbing gabay sa'ting tuwina B atas at alituntuinin I saisip at palaging sundin L ahat ito'y para rin sa atin I tanim sa isipan at damdamin N ang tagumpay ay makamtan natin. Talakayin natin: 1. Tungkol saan ang binasang akrostik? 2. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga tagubilin? 3. Sinu-sino ang mga taong nagbibigay sa iyo ng mga tagubilin? 4. Ano ang iyong nadarama kapag ang isang tao ay nagbigay ng tagubilin na hindi mo nais sundin? Ano ang magiging resulta ng ...