I created a story based on "Si Pilong Patago-tago". This story is very short and is quite an easy read. It contains a short comprehension test, hunting for and identifying the tense of verbs, and a short writing exercise. Ang Batang Mahilig Magtago Ang paboritong laro ni Tonyo ay taguan. Siya ang pinakamagaling magtago sa kanilang magkakalaro. Nagtatago siya sa loob ng maliliit na basurahan, sa tuktok ng mataas na puno, at sa likod ng mapapayat na poste. “Tonyo! Nasaan ka na naman?” ang sigaw ng kanyang nanay. “Umuwi ka na at gumagabi na,” ang dagdag pa nito. Hindi makita ng kanyang nanay si Tonyo. Nagtatago pala ito sa likod ng kanilang halamang santan. Tumalon si Tonyo patayo at ginulat ang kanyang nanay. “Nay! Galingan mo naman po ang paghanap sa akin,” ang sabi nitong pabiro habang papasok sa kanilang bahay. “Tonyo! Nasaan ka na naman?” ang sigaw ng kanyang tatay. “Itabi mo nga ang mga laruan mo, matatapakan ko na naman itong robot mo o!” ...