Mayroong dalawang uri ng Pangngalan ayon sa konsepto: pangngalang tahas (kongkreto) at pangngalang basal (di-kongkreto). Ang pangngalang tahas ay mas madaling kilalanin. Ito at tumutukoy sa mga ngalan ng mga tao, bagay, at lugar na iyong maaaring makita, marinig, maamoy, malasahan, o mahawakan. Hal. bata ibon paaralan Ang pangngalang basal naman ay tumutukoy sa ngalan ng mga bagay na naiisip, nadarama ng damdamin, natututuhan, napapangarap, o nauunawaan. Hal. kapayapaan tag-init galit komunikasyon Narito ang mga sanayang papel para sa uri ng pangngalan ayon sa konsepto: Pangngalang Basal o Tahas Pangngalang Basal o Tahas