Skip to main content

Bakit Mataas ang Langit - Modyul

According to folk tales, a long time ago, heaven used to be so close to Earth that you could reach it with a stick. What happened? Why is it so high now?

This module contains the story, vocabulary exercises, comprehension questions, and writing prompts.


        Noong unang panahon, mababa lang ang langit. Puwede itong maabot kahit gamit lamang ang isang patpat. Ginawa itong mababa ni Bathala para madali niyang marinig ang kahilingan ng mga tao. Madali rin niyang naibibigay ang kailangan nila. Dahil sa mababa ang langit, lahat ng hilingin ng mga tao ay naibibigay agad sa kanila. Hindi na nila kailangang kumilos at maghanapbuhay.
        “Bathala, nagugutom na po kami,” ang sabi ng isang lalaki. Agad siyang binigyan ng pagkain ni Bathala para sa kanyang pamilya.
“Bathala, kailangan po namin ng bagong kasuotan,” ang hiling naman ng isang babae. Dali-dali naman siyang biniyayaan ni Bathala ng mga damit.
Isang tawag lang kay Bathala ay agad na naibibigay ang hiling ng mga tao. Kung minsan, nauuna pang maibigay ang biyaya bago pa sila dumaing. Talagang labis ang pagiging mapagbigay ni Bathala.
Ngunit sa kabila ng kasaganahang tinatamasa nila, hindi nakukuntento ang mga tao. Nagsimula silang humiling ng mga bagay na hindi naman nila talagang kailangan upang mabuhay. Natuto rin silang magtago ng mga biyayang ibinigay sa kanila ni Bathala. Hindi nagtagal ay natuto na rin ang ibang magnakaw. Naging makasarili at maramot ang ilan sa kanila.
“Bathala, dagdagan mo pa ang mga alahas ko,” ang paangil na hiling ng isang babae.
“Bathala, kailangan ko ng bakod. Palagi na lamang pumapasok ang aking kapitbahay para humingi ng pagkain,” ang reklamo naman ng isang lalaki.
Nagalit si Bathala sa mga tao. “Dahil naging makasarili kayo, hindi ko na ibibigay ang mga pangangailangan ninyo.”
Mula noon ay hindi na nagbibigay ng kahit na anong bagay si Bathala. Kahit na anong hiling at pagmamakaawa ng mga tao ay hindi na sila pinakikinggan ni Bathala. Napilitan silang maghanap ng kanilang makakain. Natuto silang magtanim at mangaso. Ang ilang kababaihan ay nag-aral ng paghahabi upang sila ay may maisuot. Ang kalalakihan naman ay natutong magtayo ng mga bahay gamit ang mga kahoy na kanilang pinuputol.
Kapag sila ay nakagagawa ng isang bagong bagay, nagdidiwang ang mga tao. Isang araw, natutong gumawa ng sibat ang mga tao. Nagkaroon sila ng masayang pagdiriwang. Nagsayaw ang mga kalalakihan hawak ang kanilang bagong gawang sibat. Sa kalagitnaan ng kanilang pagdiriwang, napalundag nang mataas ang isang mananayaw at di nito sinasadya na masugatan si Bathala ng kanyang sibat.
Sa sobrang galit ni Bathala ay itinaas niya ang langit. Hindi na ito maabot ng mga tao kahit na umakyat pa sila sa pinakamataas na bundok.

Modified from this: https://philippineculturaleducation.com.ph/bakit-mataas-ang-langit/



 Download the module here to answer the vocabulary, comprehension questions., and other exercises.


Comments

Popular posts from this blog

Simuno at Panaguri

Simuno at Panaguri – Bahagi ng Pangungusap Ang bawat pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Narito ang maiikling pagsusulit na maaaring gamitin upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri 1  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 2  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 3  - Download the PDF copy HERE . Simuno at Panaguri 4  - Download the PDF copy  HERE .

Pang-ukol

Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert. Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.            Ang Sabi ng PAGASA                      Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang nakikinig sa balita sa radio. Meryl:    Ano raw ang sabi ng tagapagbalita? Albert:   Ayon daw sa PAGASA , Signal Number 2 na ang bagyo  dito sa  Metro Manila. Wala tayong pasok. Meryl:   Pero  ayon kay Nanay , meron daw tayong pasok. Inihahanda na nga  niya ang baon para sa atin . Albert:   Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo. Meryl:    Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa  balita.           Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Ito ay mga pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngala...

Araling Panlipinan - Pagtukoy ng Direksiyon

Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at likuran. Ang palaruan ay nasa harapan ng batang lalake.  Ang simbahan ay nasa kaliwa ng batang lalake.  Ang ospital ay nasa kanan ng batang lalake. Ang mga bahay ay nasa likuran ng batang lalake.  Pangunahing Direksiyon Bukod sa mga nasa itaas, mayroon pang ibang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng direksyon. Ito ay ang hilaga , silangan , timog , at kanluran . Ang apat na ito ay tinatawag na pangunahing direksiyon . Tingnan natin ang compass rosa na ito. Ang H ay tumutukoy sa  direksyong  paitaas o Hilaga. Ang S ay tumutukoy sa  direksyong  pakanan o Silangan. Ang T ay tumutukoy sa  direksyong  pababa o Timog. Ang K ay tumutukoy sa direksyong pakaliwa o Kanluran. (Itutuloy ko pa po ...