I recently found money on the floor of our building lobby. I really had to think hard for a way to be able to return it to the owner.
Here is a story of three kids who found something and had to decide on what to do with it. The module contains the usual vocabulary test, reading comprehension questions, and a short writing exercise. I also added a comic strip portion to help your student practice writing dialogues.
Here is a story of three kids who found something and had to decide on what to do with it. The module contains the usual vocabulary test, reading comprehension questions, and a short writing exercise. I also added a comic strip portion to help your student practice writing dialogues.
“Matagal na ba kayong
naghihintay diyan?” ang tanong ni Kris sa kanyang dalawang kaibigan habang
nagmamadaling lumalapit sa kanila.
“Hindi naman,” ang sagot
ni Brian. Mabilis na isinukbit ni
Yasmin ang kanyang bag sa kanyang balikat at nagsimulang maglakad. Araw-araw ay
nagkikita ang tatlong magkakaibigan sa ilalim ng kanilang paboritong puno at
sabay-sabay na naglalakad papasok sa paaralan.
“Pinayagan ba kayong
sumama sa ating field trip?” ang tanong ni Brian.
“Oo, malaki ang kinita ni
Tatay noong nakaraang buwan kaya may ekstra
raw kaming pera. Suwerte!” ang masayang sagot ni Kris.
“Ako naman ay malas,” ang sagot ni Yasmin. “Kailangan
kasing palitan ang mga gulong ng dyip ni Tatay kaya wala kaming pambayad.”
Natahimik ang
magkakaibigan. Napatungo si Brian
kaya’t siya ang unang nakapansin ng isang kulay-kapeng bagay sa tabi ng
kalsada.
“Uy, tingnan niyo. May
wallet o!” ang sambit nito. Tumakbo ang tatlo. Dinampot ni Kris ang lumang pitaka na panlalaki at binuksan.
Binuklat niya ang mga bulsa.
“Ay, walang pangalan o ID
man lang. Paano natin maisasauli sa may-ari?” ang tanong nito.
“Kung walang ID, eh di sa
atin na ang laman. Hati-hati tayong tatlo,” ang sabat ni Yasmin habang pilit na
sinisilip kung magkano ang laman ng pitaka. “Baka sapat na iyang pambayad sa
field trip!”
“Pero hindi naman sa atin
ito,” ang sagot ni Kris.
“Tama si Kris,” ang
pag-amin ni Brian. “Kapag kinuha natin ang pera ay para na rin natin itong ninakaw,” ang paliwanag pa nito.”Di’ba
yun ang sabi ni Bb. Hilario? Ibalik ang hindi sa iyo.”
“Eh paano natin isasauli?
Wala ngang pangalan,” ang tanong ni Yasmin.
“Ibigay na lang natin sa
guwardiya ng paaralan. Siguradong kung may nakahulog nito ay magtatanong ito
doon,” ang sabi ni Kris.
Mabilis na naglakad ang
magkakaibigan papunta sa tarangkahan
ng kanilang paaralan upang ibigay sa guwardiya ang natagpuang pitaka.
“Huwag kang mag-alala,
Yasmin. Makakaisip din tayo ng paraan upang makaipon para sa pambayad mo sa
field trip,” ang nakangiting sabi ni Brian sa kaibigan.
“Alam ko na! Magpapaluto
ako kay Inay ng mga kakanin. Puwede
natin itong ibenta sa ating mga kaklase!” ang masayang sigaw ni Kris.
At masayang naglakad
papunta sa kanilang silid ang tatlong magkakaibigan.
Comments
Post a Comment