This module is about how the cockroach lost its groove :) It contains exercises on vocabulary, reading comprehension, writing dialogues, filling out a Venn diagram, and a 10-item quiz on fact (katotohanan ) or opinion (opinyon). ANG ALAMAT NG IPIS Noong unang panahon, ang ipis ay hindi tulad ng mga ipis na pinandidirihan ng lahat ngayon. Ito ay natatangi dahil sa pagiging malinis, maganda, at mabango nito. Isang araw, ipinatawag ang mga ipis sa palasyo ng hari. hinikayat sila ng hari na doon na manirahan upang magbahagi ng kanilang kariktan. Kaagad namang pumayag ang pinuno ng mga ipis. Pagkatapos ng maikling paghahanda ay sabay-sabay nang lumipad ang lahat ng ipis patungong palasyo. Masayang-masaya ang hari sa pagpapaunlak ng mga ipis sa kanyang hiling. Sinabihan niya ang mga ito na ituring na parang kanila ang kanyang palasyo. Ang tanging hiling lamang niya ay palaganapin dito ng mga ipis ang kanilang ganda at kalinisan. Tinanggap naman ng mga ipis ang trabahong ...