Tingnan ang larawan sa itaas. Ano ang mapapansin mo tungkol sa mga salitang naka pula?
Makikita na ang bawat isa ay sumasagot sa tanong kung kailan naganap ang kilos.
Kailan ibinigay sa akin si Muning? noong nakaraang buwan
Kailan siya naglalaro? araw-araw
Kailan ko ibinigay ang bola ng pisi? kahapon
Kailan siya natutulog sa ilalim ng aking kama? tuwing gabi
Ang mga salitang nakapula ay mga pang-abay na pamanahon.
Narito ang ilan pang halimbawa:
Si Tatay Nilo ay pumasok sa opisina noong Lunes.
Ang pariralang "noong Lunes" ay sumasagot sa kung kailan pumasok si Tatay
Si Tricia ay magsisimba sa darating na Linggo.
Ang pariralang "sa darating na Linggo" ay sumasagot sa kung kailan magsisimba si Tricia.
Narito ang mga maiikling pagsusulit para sa pag-aaral ng pang-abay na pamanahon:
Filipino 2 - Pagkilala sa Pang-abay na Pamanahon
Here is a 10 item exercise on recognizing adverbs of time (Pang-abay na pamanahon). There is an extra 5 item sentence construction exercise using the said adverb.
Filipino 2 - Pagkilala sa Pang-abay na Pamanahon
Set 2 of the 10-item exercise in recognizing adverbs of time. Another 5 item exercise on using adverbs of time in a sentence.
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete