Ang pamagat (title) ng isang akda o larawan ay nagpapahayag ng diwa o paksa nito. Mahalagang tandaan na sa pagbibigay ng pamagat, mabuting gawin itong maikli at nakatatawag ng pansin. Ito ay kalimitang humihikayat sa mambabasa na ituloy ang pagbabasa sa akda. Kailangang simulan sa malaking titik ang mahahalagang salita sa pamagat. Tingnan natin ang halimbawang ito: Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na limandaang uri ng pating. Karamihan ng uri ng pating ay nananatili sa tubig-dagat ngunit may iilang nabubuhay sa tubig tabang. Ang pinakamaliit na pating ay may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba naman ay ang butanding. Ito ay umaabot sa haba na labindalawang metro. Ano ang maaari nating ibigay na pamagat dito? a. Ang Nakakatakot na Isda b. Ang Iba't Ibang Uri ng Pating c. Ang Pating Para sa akdang ito, ang pinaka-angkop na pamagat ay "Ang Pati...