Mas mabilis matututunan ang mga salitang Pilipino kung aalamin natin ang kayarian nito. Lahat ng salitang Pilipino ay nahahati sa apat na kayarian: · * Payak – mga salitang binubuo ng salitang-ugat lamang. Halimbawa: galing bahay · * Maylapi – mga salitang binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Ang panlapi ay mga pantig na idinudugtong sa salitang-ugat. Halimbawa: magaling kabahayan · * Inuulit – mga salitang may bahagi o buu-buong inuulit. Halimbawa: kilalang-kilala araw-araw · * Tambalan – mga salitang binubuo ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang bagong salita. Halimbawa: kabit-bisig bahaghari Narito ang mga sanayang papel na maaaring gamitin para mas maintindihan ito: Fi